OPINYON: TAPANG-TAPANGAN

Sa April 2016 presidential campaign, pabida ang kandidatong si Rodrigo Duterte na sasakay siya sa jetski, bitbit ang ating bandila papunta sa Spratlys para ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas..

Nakabola ng 16 milyong Filipino si Duterte at naging presidente pero pagdating ng October, may pasabog siya: may verbal agreement sila ni Chinese President Xi Jinping na papayagan niyang mangisda sa 200-nautical mile Exclusive Economic Zone ang mga Tsino kung papayagan ng China ang mga Pinoy na mangisda sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Hanggang noong June 2019, sa 122nd founding anniversary ng Presidential Security Group, tinindigan ito ni PDuts.

Ano’t biglang deny to death si Presidential Spokesman Harry Roque nitong nakaraang linggo na may verbal agreement na nangyari noong 2016?

Kung kelan nalimas na ang mga isda at naitaboy ang mga Pinoy?

Kung kelan nakapagtayo ng artificial islands at military structures sa West Philippine Sea?

Kung kelan matatapos na ang termino ng administrasyon?

Dahil ba mag-eeleksyon na sa isang taon kaya tapang-tapangan, bait-baitan na naman?

Tatakasan nyo ang mga pananagutan ninyo sa saligang batas at arbitral tribunal ruling?

Sa 1987 Constitution, mga Pinoy lang ang may K sa yamang dagat sa teritoryo ng Pilipinas kasama na ang Exclusive Economic Zone”.

Sa mas carry ang English, the state is mandated “ to reserve … the use and enjoyment” of its marine wealth in Philippine waters, including its EEZ, “exclusively to Filipino citizens.”

Sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration July, 2016, imbento lang ang ipinipilit ng China na may “historic rights” ito sa mga yamang kalikasan sa karagatan na sumasakop sa “nine-dash-line”.

O sa Ingles, “China’s claims based on any “historic rights” to waters, seabed, and subsoil within the nine-dash line are contrary to UNCLOS and invalid.”

Hayahay. Pag-aralan din ang mga isyu pag may time bago mag-troll.

Wag tayo tanga-tangahan, sunud-sunuran.

Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]