Lumablyf muna tayo ngayon.
Ngayong Mayo ay sine-celebrate sa Amerika ang Asian-American Pacific Islander Heritage Month.
Recognition ito ng malalim at mayamang tradisyon, kultura at kontribusyon ng lahing Asian Americans sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Keri ba?
Parang wapakels lang ang dating di ba.
Kasi nandito naman tayo sa Pilipinas at ang mas maraming overseas Filipinos ay nasa Middle East, Europe at Asia.
Pero, may dapat bang ipagdiwang?
Lunes, March 29, bago magtanghali, isang Filipina American senior citizen na naglalakad sa New York City, ang sinuntok at tinadyakan habang pinagmumura ng umatakeng black man.
Ayon sa police, namaga ang mukha ng biktima at nasaktan ang kaliwang binti.
Sapul ng security camera ang pag-atake at nag-viral sa social media ang insidente.
Mula nang pumutok ang deadly #Chinacoronavirus disease sa Wuhan, nagsunud-sunod na ang violent hate crimes na tumatarget sa Asian Americans.
Sa monitoring ng koalisyon na tinawag na Stop Asian American Pacific Islanders Hate o Stop AAPI Hate, mahigit 6,000 ang racist attacks sa Asian Amerlcans mula March 2020 hanggang March ngayong taon.
Ayon sa Center for the Study of Hate and Extremism at California State University San Bernardino, 164% ang dinami ng mga pag-atake ng kaparehong panahon nung isang taon.
May 22 million Asian Americans ngayon sa Amerika ayon sa US Census.
Kita mo yang brutal at traumatic peripheral damage na dala ng #Chinavirus sa maraming tao. Kabuset talaga. Gigil ako.
Kelan lang din, nagpost si Miss Universe 2020 Nova Stevens sa kanyang Instagram ng racist comments mula sa mga Pinoy at nanawagan na spread love na lang. May ibang lahi rin ang nam-bash sa kanya at sa ating panlaban na si Rabiya Mateo. Nag-sorry naman Rabiya kay Nova. At ganun din si Nova sa mga Pinoy.
Ang point dito, maingay tayo laban sa racial discrimination at racist attacks, pero tayo rin kung makapintas wagas.
Wag ganun. Pangit.
Punahin ang mali at injustices.
Pero kilalanin at purihin ang tama at good manners.
Kelan lang, naglabas ang Asian Americans ng public service docu video laban sa Asian Hate na nag-ending sa mabangis na babala ng dating Gapo rapper na nasa US na si Ez Mil, hudyat ng matinding resbak.
Kung babalikan ang tanong – may dapat bang ipagdiwang ngayong Asian-American Pacific Islander Heritage Month?
Big YES.
Celebration ito ng pagkakaisa ng iba-ibang kultura, kulay, mayamang lahi at kontribusyon ng Asian Pacific Islanders sa asenso ng USA.
Ang pagsasama-sama ngayon ng Asian Americans ay selebrasyon dahil mensahe ito ng pagtindig laban sa recial discrimination sa modernong sibilisasyon.
Maki-Unity in Disversity tayo..
Kaya STOP ASIAN HATE.
Spread Asian Love.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]