Negosyante missing; dinukot ng ‘mafia’?

MEDYO sensitibo ang ating topic sa araw na ito dahil hanggang ngayon ay nawawala pa rin ang subject sa ating kwento.

Ilang araw nang hinahanap ng kanyang mga kaanak at mga otoridad ang isang kilalang businessman na misteryosong nawala.

Walang nakakaalam hanggang sa kasalukuyan kung siya ba ay dinukot, kusang lumayo o kung saan man siya ngayon naroroon.

Tulad ng inaasahan ay iniisa-isa ng mga imbestigador ang lahat ng anggulo sa pangyayaring ito.

Hindi bukas sa media o sa publiko maging ang pangalan at iba pang detalye tungkol sa nawawalang negosyante.

Pero may isang anggulo ang nakakuha sa aking atensyon nang sabihin sa akin ng aking spotter sa Camp Crame ang detalye ng ginagawang imbestigasyon.

Kung may mafia na kadalasang binubuo ng mga mayayaman at de-kalibreng mga lider-sindikato ay mayroon din pa lang gay mafia para sa isang sektor ng ating lipunan.

Sa pangalan pa lang ay alam mo na kung sino ang mga bumubuo sa grupong ito.

Isa ito sa iniimbestigahan ng mga otoridad ayon sa aking spotter dahil ang nawawalang negosyante ay posible raw na inoperate ng grupong ito. If you know what I mean.

Ilang mga kilalang personalidad rin sa loob ng kanilang “circle” ang medyo minamanmanan na rin ng mga otoridad ayon pa sa aking spotter.

Marami kasi ang posibilidad na dapat kalkalin sa isyung ito.

Bukod sa negosyo ay meron din daw pinagkaka-abalahan ang grupong ito na hindi naaayon sa mga umiiral na batas.

Kaya bukod sa anggulong pagdukot ay malaki rin daw ang posibilidad na baka nagtatago lang talaga ang negosyante para makaiwas sa kanyang mga kasamahan o dating kasamahan kung anuman dito ang tama.

Baka lang may mag-react na naman at sasabihing kulang ang ating mga detalye at hindi man lang pinangalanan ang subject.

Blind item po ito! Hello? Bukod pa sa sensitibo ang isyu dahil iniimbestigahan pa nga ng mga otoridad.

Abangan ang susunod na kabanata mga Ka-Publiko.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]