Missing the other war narrative – 1

NAGPYESTA na naman ang mga Marites at Marisol sa international media at social media mula nang pumutok ang Russia-Ukrain conflict.

Sa pagputok ng balitang ginera ng Russia ang Ukraine noong February  24, pinaulanan ng tuloy-tuloy na batikos ang Russia.

Yes may international na Marisol (Mareng taga sulsol) o warmonger number 1 ang US at North Atlantic Treaty Organization o NATO  gamit ang mga Marites (Mare ano’ng Latest?) na western press na kontrolado at pare-pareho ang anggulo ng mga balita.

Sabi ni US President Joe Biden, ang ginawa ng Russia ay “pre-meditated attack.” Russia ay “aggressor”. 

Read: https://www.cbsnews.com/amp/live-updates/russia-ukraine-sanctions-biden-speech-putin-aggressor/

Banat ni German Chancellor Olaf Scholz “blatant breach of international law” at “Putin’s War” ang aksyon ng Russia. 

Read: https://amp.cnn.com/cnn/2022/02/24/europe/ukraine-russia-conflict-explainer-2-cmd-intl/index.html

“Strongly condemn” naman si France President Emmanuel Macron habang “appalled” o nabigla naman si UK Premier Boris Johnson ng “horrific events” sa Ukraine.

Read: https://news.yahoo.com/amphtml/tweet-macron-condemns-russias-decision-131215225.html

Read: https://www.reuters.com/world/europe/uk-pm-johnson-appalled-by-events-ukraine-he-says-tweet-2022-02-24/

Sa BBC report, mapangwasakang air, land at sea assaults ng Russia sa Ukraine, isang European democracy ng 44 million. 

Read: https://www.bbc.com/news/world-europe-56720589.amp

Sumabay ang mga fake news, misinformation at disinformation.

Naglabasan ang mga kwento at pictures ng mga namatay kasamana ang mga bata.

Isang araw matapos pasukin ng Russia ang Ukraine, nag-viral ang litrato ng isang bata na duguan ang mukha pero nadiskubre ng India Today na lumang picture pala ng Syrian war.

Na-fact-check naman ng Reuters at sinita ng Twitter ang post ng mismong Ukraine Defense Ministry ng air battle dahil galing pala sa isang video game.

Merong 25 iba pang nadiskubreng fake news at pictures ang  https://maldita.es/malditobulo/20220224/hoaxes-misinformation-russia-ukraine/?amp.

Inaaraw-araw din ang mga namamatay sa Russian military operation sa Ukraine na umabot na sa 352 civilians sa report ng Al-Jazeera na ayon naman daw sa Ukraine Health Ministry na updated ng February 28.

https://www.aljazeera.com/amp/news/2022/2/24/russia-ukraine-invasion-casualties-death-toll

Ngayong March 1, nireport ng CBS News na naitala ng UN Human Rights na may 136’civilians ang namatay sa pag-atake ng Russia kasama na ang 13 bata.

https://www.cbsnews.com/newyork/live-updates/russia-ukraine-news-kyiv-war-putin-invasion-talks-today/

Nagkanya-kanyang sanctions na ang iba-ibang bansa sa Russia.

Dahil sa mga Marisol na western media, nagagatungan ang galit ng madlang pipol vs Russia at lumalaganap ang mga anti-Russian rallies.

Pwede sanang umaksyon ang United Nations na may 193 member countries pero mas binigyan ng pribilehiyo ang limang makapangyarihang bansa na desisyunan ang magiging kapalaran ng buong mundo. 

Di ba walang kwenta. 

May 15 member-countries ang UN Security Council. Lima riyan ang ginawang permanent members na pwedeng mag-vetoe o harangin ang anumang resolution.

Isa ang Russia sa limang permanent members kaya ginamit nya ang veto power niya para mabasura ang resolution laban sa kanya. 

Mukhang tanga lang.

Pero sa totoo lang naman-  walang magtataho, tindera ng gulay, online seller, sabungero, mangingisda o nanay ang may gusto ng giyera.

Ikaw na nagbabasa nito, gusto mo ba magka-giyera?

Wala na ngang makain mag-gigiyera pa.

Maski ako, ayoko ng giyera na sasakop sa aking bansa para sakupin at samantalahin ang yaman ng Pilipinas.

Obviously, dominado ng Western press ang kwento o narrative sa nangyayari sa Ukraine. 

Kaya madali silang makapag-impluwensiya ng global opinion hanggang makabuo ng global perception.

Maski ang social media giants ay nasa Amerika – Facebook, Twitter, Google at pag—aari nitong Youtube, etc. 

Kailangan talagang mag-Google search para makabasa ng balita galing sa Russia tulad ng Tass News o Russian TV network, dating Russia Today. 

Kaya naman, feeling na missing ang the other narrative sa nangyayaring kaguluhan aa Eastern Europe.

Ang narrative ng Russia.

Wala akong mabasa o mapanood na mga balita galing mismo sa Moscow.

Ang punto lang, alam ba natin ang puno’t dulo ng sigalot na sinimulan ng Russia sa Ukraine bago tayo nakikisawsaw sa nangyari?

Western powers lang na kontrolado ang international media, ang may iisang panig ng narrative, kwento, o side ng istorya.

Sa susunod na column, alamin natin ang narrative o pinaghuhugutan ng Russia sa paglusob nila sa Ukraine.