MULA nang nabili ni Dennis Uy ang Shell at Chevron (45% + 45% = 90 percent) shares, at ibenta naman niya kay Enrique Razon ang 45 percent ng Shell, dambuhalang milking cow na nila ang Malampaya.
Sa kanyang presentation nitong Lunes, May 22, ibinulgar ni Ed Mañalac, dating Energy Undersecretary at dating presidente ng Philippine National Oil Company (PNOC) na noong 2022 ang share ng contractor sa kinita ng Malampaya ay tumataginting na $309 million!
Ang katumbas nyan sa peso noong 2022 sa palitan na P54=$1 ay P16. 686 billion!
Sino ba ang service contractors na may hawak at nag-ooperate ng Malampaya gas field sa Palawan.
Binubuo yan ng consortium ng PNOC, Udenna-UC38 LLC ni Dennis Uy na crony ni Duterte at Prime Infrastructure Capital- Malampaya Energy XP Pte Lrd (MEXP) na pag-aari naman ni Enrique Razon at crony ni Marcos Jr.
Si Dennis Uy ang may-ari ng Phoenix Petroleum gas stations, DITO Telcom at iba pa.
Si Razon naman ang bilyonaryong may-ari lang naman ng International Container Port Services na nagpapatakbo ng 34 ports at terminals sa 20 bansa. May-ari na rin siya ng Manila Water, Solaire Resort and Casino at iba pa.
Sa pagpapatuloy ng presentation ni Mañalac ang Chevron ay binili ng Udenna sa presyong $565 million- pero, $375M dyan ay galing sa mga utang sa bangko, $157M mula sa kita sa Chevron shares at $33M mula sa equity raising.
Ang benta naman ng Shell Petroleum shares kay Razon ay $380 million. $160M galing sa bank loans, $220M ay mula additional loan funds at special dividends ng SPEX excess funds at $80M ay sourced sa contingent payments na pinondohan ng SPEX operations.
Crystal clear na pinambayad ay galing sa utang hindi sa sariling bulsa. Swabe.
Sa kanyang research, ipinaliwanag ni Mañalac na inabot ng 12 years ang Shell at Chevron mula nang pirmahan ang service contract 38 bago nakapag-produce ng unang commercial production at gumastos kasama ang PNOC ng $4.5 billion.
Tapos may dalawang bilyonaryo na nagmagandang loob para raw sa bayan na patakbuhin ang Malampaya kahit kwestyonable ang qualifications at award ng contract.
Kung batay sa Section 4 ng Presidential Decree No. 87, minamandato na bago i-award ang contract, ang service contractors dapat may financial capabilities at technical expertise.
So, nasaan ang financial capabilities ng dalawang cronies kung puro inutang ang pinambili sa shares ng Chevron at Shell?
Hindi na pinag-uusapan dito ang technical expertise dahil wala namang experience ang dalawa.
Big question mark paano nakalusot yan kina dating energy secretary Antonio Cusi at ngayon, DoE Sec Popo Lotilla?
Tanong lang ha: Nagkabayaran ba?
Nagkabayaran o hindi, lumalabas na questionable ang qualifications ng service contractors exept PNOC, questionable ang shares sells transactions at contract awards dahil kung nagproseso, paano nakalusot?
Hanggang ngayon walang nilalabas na information si Lotilla kung paano sila nag-proseso ng service contractors; sina Razon at Uy, wala ring mailabas na maibibidang experience sa technical capabilities.
Si Razon, dahil walang maipakitang qualifications, naghanap ng butas para sirain ang kredibilidad ni Mañalac maski closed case na ang isyu.
Lumalabas may pananagutan sina Marcos Jr., Lotilla, Razon, Uy at iba pa sa renewal ng Malampaya operations contract na sila-sila na naman ang makikinabang for 15 years
Kawawang taumbayan.
May pending case sa ombudsman sina Dennis Uy, dating DoE Secretary Cusi at iba pa dahil sa questionable Chevron-Udenna deal.
Susunod na ba sina Lotilla at Razon at iba pa?
Sa conference ng National Youth Movement for the West Philippine Sea Webinar, nabanggit ni Mañalac na may nakausap siya kahit may presidential immunity sa mga kaso si Marcos Jr., pwede pa ring idemanda.
Posible ring imbestigahan ng senado ang renewal ng service contract no 38 dahil dati nang binanggit ni Sen Win Gatchalian na nag-imbestiga sa Udenna-Chevron deal, na “niluto tayo sa sariling mantika.”
Pwede ring impeachment kay Marcos Jr pero sabi nga ng isang panelist, hindi magsa-succeed dahil alyado ni Marcos Jr ang kamara.
Lastly, pwedeng mag-file ng Temporary Restraining Order sa korte ang kahit sinong mamamayan na naniniwalang agrabyado ang taumbayan sa highly questionable renewal ng Malampaya Service Contract No 38.
Pinaka-importante sa isyu ng renewal na yan, meron namang viable solution.
Hawakan ng PNOC ang buong Malampaya operations nang mag-isa.
Sa consortium members, PNOC lang ang may solid more than 30 years ng technical experience sa super advanced na deepwater-gas-to-power high technology
Meron bang financial capability?
Ayon kay Mañalac, sa kasalukuyan, merong pitong service contracts ang PNOC sa Cagayan Basin, Malampaya, Mindoro at Calamianes.
Bukod pa riyan ang anim na coal operating contracts sa iba-ibang parte ng Pilipinas.
Kaya, bakit nyo pa ibinigay sa mga bilyonaryo ang extension at hindi sa PNOC?
Dahil ba sumuporta sila sa kandidatura ni Marcos Jr.?
Hindi nakapagtataka dahil si Razon ay parating kasama ni Marcos Jr sa foreign visits.
Kelan lang magkasama rin sila sa Sting concert.
Suportado ni Razon ang National Unity Party na kasama sa coalition ni Marcos Jr.
Si Dennis Uy naman, dalawang buwan bago magbotohan nung May 9, 2022, nag-host ng dinner party para kay Marcos Jr at asawa.
May mga mga picture na totoo yan kaya may resibo.
Mga galawang negosyante at pulitiko talaga.
Tigilan n’yo na kami.