Marcos Jr. Waning, Robredo Winning

SORRY Marcos Jr bangagers at DDS fools, sa itinatakbo ng mga presidential campaign ngayon, isa lang talaga ang seryosong lumalaban, lumalakas ang winnability at patuloy na pumapailanlang–si Leni Robredo.

May isang duma-darkhorse na pwedeng mag-golpe de gulat at mag-ala-Rodrigo Duterte nung 2016 na biglang lumutang at winner mula sa pusali, si Yorme Isko, pero malayo pa rin at marami pang kakaining bigas.

Yung iba, maliban kay Ka Leody na karespe-respeto naman, halatang hindi seryoso, nanghahati lang ng boto o gusto lang mangubra ng multi-million pesos na donation sa mga korporasyon, malalaking haciendero at ilang faction ng ruling elite.

Puma-pattern sa akin na binabalikan si Marcos ng mga karumal-dumal na mga krimen ng nakaraan.

Sinisingil na siya para pagbayaran ang mga kasalanan sa bayan tulad ng pangdarambong, pandaraya at ‘di pagbayad ng buwis, murders at salvagings (term na gamit noon sa extrajudicial killings) nung martial law, panloloko, pagsisinungaling at iba pa.

Promise, ‘yun ngang pasabog na tax evasion cases ng apat na taon at itong estate tax liabilities, now ko lang nalaman na meron palang ganun.

Kaya naman nung nag-absent na naman siya, this time sa Comelec presidential debates, nagkaroon ng pagkakataon ang kalabang presidential candidates na kuyugin si Marcos Jr. sa P203B estate tax liabilities.

Nagkaisa sila na dapat habulin na ng gobyerno ang mga utang ng Marcoses.

https://news.abs-cbn.com/amp/news/03/19/22/rivals-agree-govt-must-go-after-marcos-taxes

Habang uma-absent, lalong nasasalya sa pader si Marcos Jr. at nalulubog sa pagiging notorious.

Hindi siya makadepensa dahil alimuom lang niya ang present sa mga debate.

Kung um-attend man sa debate nasosopla naman sila ng matatalas na sina Ka Leody at Atty Luke Espiritu.

https://newsinfo.inquirer.net/1562507/ka-leody-marcos-jr-s-neutral-stand-on-ukraine-crisis-similar-to-his-cowardice-in-debate/amp

https://www.onenews.ph/articles/huwag-kang-bastos-senatorial-bet-luke-espiritu-goes-viral-after-tirades-against-larry-gadon-harry-roque

Ganyan ang nangyari sa debate ng SMNI na pag-aari ng isa pang karumal-dumal na kriminal, ang umano’y human at sex trafficker at bagman ni PDuts na si Quiboloy.

Sa bawat buka ni Marcos ng kanyang bunganga, duguan siya sa bugbog ng mga kalaban at netizens.

Kaya ayun, sabi niya nung Lunes, March 21: “Kami biktima kami dyan e. Maraming finafact-check ako na sinasabi hindi totoo ‘yung sinasabi ko. Wala naman akong sinabing ganun pero fake news daw yung sinabi ko. Wala akong sinabing ganun… Iniimbento nila yung sinabi ko tapos sasabihing fake.” LOL!!

Link: https://newsinfo.inquirer.net/1571290/bongbong-marcos-i-am-the-victim-of-fake-news#ixzz7OICLcdD3

Saan ka nakakita: biktima raw ng fake news si Marcos Jr. tulad ni Duterte, siya nga mismo ang source ng fake news, misinformation at disinformation.

Panic mode na ba? Ano kinakatakot mo kung nangunguna ka sa survey?

Tama ang kasamahan at beterana sa investigative journalism na si Luz Rimban:

“You cannot be both frontrunner and underdog at the same time. Ang swapang naman.”

Habang pabulusok sa kangkungan ang popularidad ni Marcos Jr sa kanyang bulag na loyalists, pumapailanlang naman na parang araw ang kasikatan ni Robredo at nagbibigay ng buhay, liwanag, sigla at pag-asa sa Pilipinas at madlang Ka-Publiko.

Kapansin-pansin at kagulat-gulat ang buhos ng mga tao sa Bicol, Quezon City, Cebu City, Iloilo, Manila, Cavite, Bulacan, Cagayan de Oro at Cotabato.

Pinakanakakakilabot ang dagsa ng mga kakampink sa PasigLaban nung Linggo, March 20 na sinundan ng higanteng campaign rally ng Novo Ecijanos kahapon, Martes, March 22.

Bawat kampanyahan ni Robredo– namumulaklak at nagliliwanag sa makulay na pink.

Para siyang gumugulong na #PinkplePowerRevolution na binubuhay ang naiidlip at nakatambay na kamalayan ng mga Pinoy sa mga syudad at probinsya.

Ang kakaiba sa Leni-Kiko campaign trail, bukod sa tumitinding groundswell ng suporta, nabuhay at umaapaw na volunteerism, naglalabasan at tumingkad ang creativity ng madlang pinkple.

Bawat lugar, may unique at agaw-atensyon na cultural at modern presentations na masaya at nakakabusog sa mata. Pati messaging pang-asar at nakaaaliw.

Nag-iiwan ng markadong alaala, magaan na kalooban at mga ngiti sa hapo pero mga mukhang puno ng pag-asa.

Binubura ang mga lason sa isipan at damdamin, mudslinging, vote-buying, fake news, misinformation at disinformation.

Dahil dito, panic mode na ang mga lolo nyo:

Sina Lacson at Duterte, pinatatampok na ang alyansa raw nina Robredo at mga Komunista. E puro kumu-nista, tiktokers at instagramers ang ka-alyansa nina Leni-Kiko.

https://www.cnnphilippines.com/news/2022/3/10/Lacson-insists-communist-infiltration-in-Robredo-s-Cavite-sortie–VPs-camp-debunks-allegation.html?fbclid=IwAR3itucReil4163i0CUt4pca5YcEhKfwaUVyPqdkD0qtWuJr48EJLLWPltk

Meron nang RoSa tandem, Robredo-Sara team na nilunsad sa Cagayan De Oro nung Lunes, March 21.

https://newsinfo.inquirer.net/1571429/rosa-campaign-launched-in-cagayan-de-oro/amp

Well, dati nang basura at mabaho ang Marcoses sa nabubulok nilang mga budhi.

O dumidistansya na sila Sara kina Marcos Jr or hahatiin ang boto ni Kiko?

Nangahas na rin ang PDP Laban Cusi copycat faction na ideklara ang Marcos Jr – Duterte slate nung Lunes, March 21.

https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/825858/cusi-led-pdp-laban-wing-endorses-bongbong-s-prexy-bid/story/?amp

Ibig sabihin, may basbas ni Duterte na tumakbo rin bilang PDP-Laban standard bearer noon.

Nambastos na, nang-insulto pa sa pumanaw na founder Nene Pimentel at pinagmulang kasaysayan ng PDP Laban na binuo para labanan ang Marcbos dictatorship.

May mga senaryo at pasabog pang nakareserba sina Marcos Jr-Duterte tandem at ito ang mga dapat bantayan dahil d’yan nakasalalay ang muling malayang pag-inog ng demokrasya na ninakaw ni Rodrigo Duterte noong 2016.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]