ALAM n’yo naman na ang Makabayan bloc ay matagal nang iniuugnay ng pamahalaan sa komunistang grupo dahil ang mga ito raw ay binubuo ng front organizations ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army(CPP-NPA).
Bigla tuloy akong naawa kay Ka Leody de Guzman dahil sa pangyayaring ito bagamat hindi ko naman siya iboboto sa darating na halalan.
Nang dahil lamang sa pansariling ambisyon ng kanyang mga kasamahan ay tinalikuran siya ng mga ito.
Lumilitaw na mas naniniwala ang Makabayan bloc na ang pulitika pa rin at hindi ang idelohiya kuno na kanilang ipinaglalaban ang mas maghahatid sa kanila ng gloria sa hinaharap.
Ito na nga ba ang sinasabi ko na mas nakabibilib ang mga armadong nakikipag-sabayan sa labanan kesa sa mga pekeng makabayan na hanggang ngaw-ngaw lang ang kayang gawin para sa kanilang adhikain.
Ito rin ang dahilan kung bakit nilalangaw na ang kanilang organisasyon lalo na sa mga kanayunan dahil sobra nilang pakikisawsaw sa pulitika.
Sa huli, ayon nga sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), pera-pera lang talaga ang inaantabayanan nila sa tuwing panahon ng eleksyon. Dahil sarado na ang gripo ng suporta mula sa kanilang mga kaalyado sa ibang mga bansa kaya nakasandal na lamang sila sa mga makukulimbat nilang pondo sa mga pulitiko sa darating na eleksyon.
Teka nga pala, linawin ko lang na kay Ka Leody lang ako naaawa hindi sa ka-tandem nya na si Walden Bello na puno ng hangin ang kaisipan.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]