Low unemployment rate dahil sa kampanya; pagkatapos ng eleksyon ano na?

BUMABA ang unemployment rate noong Abril 2022 sa 2.76 million from 2.87 noong March 2022 dahil nagkaroon ng seasonal at contractual na mga trabaho dahil sa kasagsagan ng local at national campaign at bilang paghahanda sa national and local elections noong May 9, 2022.

Iyan ay base sa latest labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) Biyernes, June 10, 2022.

Hindi dapat ipinagmamalaki ng Duterte administration ang pagbaba ng unemployment rate dahil panandaliang trabaho lamang ang mga ito at hindi pangmatagalan o dekalidad na mga trabaho.

Marami ang nagkatrabaho noong panahong saklaw ng survey dahil sa dami ng mga temporary workers na kinuha ng mga kumakandidato upang tulungan sila sa maraming aspeto ng kampanya.

Dumami rin ang nagkatrabaho dahil kinakailangan sa pagpapaimprinta ng mga t-shirts, leaflets, flyers, tarpaulins, at paggamit ng mga campaign paraphernalia upang makakuha ng boto ang mga kandidato.

Dumami rin ang nagkatrabaho sa logistics, transportation at pagtulong sa mga kandidato na kumampanya sa ibat ibang lugar ng siyudad, rehiyon at ibang bahagi ng bansa. Kasama na dito ang mga watchers at iba pang trabaho noong araw mismo ng botohan.

Buhay na buhay rin ang mga social media workers, mga troll farms, at mga onsite events activities.

Pagkatapos ng campaign period at pagkatapos ng national at local elections ng May 2022, agad din na mawawala ang mga panandalian at mga seasonal, mga temporary jobs na ito.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]