MULA kindergarten hanggang high school, lahat yata ng classrooms na pinasukan ko, may wall decors; sa college, kadalasan bakante pero may mangilan-ngilang nagkakabit pa rin na visual aids.
Kaya nakaka-connect ako sa mainit na issue ngayon nang gulatin tayo ng no-decor policy ng Department of Education (DepEd) Order No. 21, series of 2023.
Para sa nag-aalaga ng image ni Sara D, achievement na naman yarn.
First day of kindergarten classes, napansin ko, kakaiba at parang magulo ang paligid – maraming bata maiingay, naghahabulan, harutan, may naglalaro, umiiyak – medyo kinabahan ako: ano ba tong lugar na to?
Gusto ko na rin tuloy umiyak kaya kapit ako sa nanay ko, ayokong magpaiwan.
May nakakuha ng atensyon ko:
Hiwa-hiwalay at makukulay na posters ng prutas, hayop, atbp., ang naka-display sa pader – A is for Apple (may pagka-kolonyal ito dahil wala namang apple sa Pilipinas), B is for Banana, mga ganun: in bold letters at illustration.
Ang pagkakadikit sa walls parang nagsasayaw, naka slant na salubong o magkahiwalay.
Nakapaikot yan sa loob ng classroom.
Masaya at magaan sa pakiramdam, vibrant, parang may mini-kapistahan. Feeling happy.
Medyo nakampante na ako.
Mainipin kasi ako – kumbaga, short attention span – kaya habang nagtuturo, lingon lang ako ng lingon sa paligid kahit pare-pareho naman ang nakikita ko. At least hindi na-boring.
Pagpasok naman ng primary at elementary schools, palaki nang palaki ang school at paligid.
Parami nang parami rin ang mga bata.
Ang classroom decor, nag-iiba habang umaangat ang level.
Sa primary, may drowing ng kamay na inihagis ang pirasong papel sa basurahan at sa ibaba ng sahig, nandun ang totoong trash can.
Kaya nasanay kaming itapon sa basurahan ang aming kalat.
Dati, malalaki ang sketches ng alphabets at may images ng bagay na nagsisimula sa letter na nagre-represent sa letter na yun tulad ng A is for Apple.
Pero sa primary school (Grade 1-4). ang poster ay letters na ng vowels na magkakatabi – A, E, I, O, U at consonants.
Ang numbers 1-25 nasa isang poster.
Yung alphabet posters sa classroom walls, napalitan ng mga drawing ng mga bagay na may label kung ano ang tawag sa bagay na yun.
Halimbawa, drawing ng bahay-kubo, caption is, bahay-kubo.
May naalala rin akong drawing ng mga kamay ng bata na naghuhugas sa gripo o mukha ng batang nakangiti na nagsisipilyo.
Meron ding drowing ng nagmamano – ang caption is, “Ang batang magalang ay nagmamano sa magulang” (nagra-rhyme pa talaga).
Pagdating ng elementary, halos nawala na ang posters ng alphabets at napalitan ng achievements and visual works ng pupils.
Ang numbers naman, dumami na at naka-imprenta pa sa likod ng notebooks – multiplication table na siya.
Dahil may art classes kami, nakadisplay dun ang mga gawa namin at ang nakakuha ng perfect 100% score sa pagsusulit, ipinapaskil sa pader ang testpaper.
Syempre, feeling proud sa sarili at napapangiti ang mga batang nakadisplay ang water color painting at testpapers sa classroom wall.
Ang wall sa likod, may nakapaskil namang assignments namin bilang monitors bawat araw sa cleaning at pagse-serve ng mga tray na panindang soup at tinapay ang canteen, yan ay para maalala namin.
Pero may tumatakas pa rin na dugang bata at magulang na kunsintidor.
Pagdating ng high school – tumaas at dumami pa buildings, teen-ager na kaming magkaka-classmates na uhugin sa elementary, hindi na lang naglalaro kundi nagasasanay na ng sports – pero ang mga pa-cute, yung harutan nila, may kasama nang landian.
Ang numbers at alphabets napalitan na ng drawing ng atom, table of chemical elements at sa 4th year, poster ng e=mc2 at mukha ng author na si Sir Albert Einstein.
Pagtuntong ng university, maraming rooms na bare na ang walls.
Wala na ang letters na sobrang malalaki nung elementary.
Ang chemical elements na naka-display noon sa pader ng high school science classroom, sa college e, nagkaron ng buhay:
Dahil sa laboratory, nakabuo pa kami ng simple explosives nung nag-BS Chem ako haha.
May caution signs na sa wall.
Sa Philo class, may quote o nugget of wisdom sa isang poster na ang sabi, “Only upon a collision of ideas can we arrive at truth”.
O di ba, basic idea yan sa court trials at cross-examination o debates.
Bagaman bihira na ang decors o visual aids sa college, napalitan naman ito ng kakaibang artistic expression – graffiti.
Minsan may political messages pa nga in red ink nakasulat sa pader:
Kabataan makilahok sa digmaang bayan! – KM (nagra-rhyme pa talaga).
Mga salitang matatakot ka o mapapaisip, at bandang huli, mamumulat.
(Pero yung iba naman, kababuyan, sulat pentel pen para hindi agad mabura.)
Kaya pag ini-imagine ko ngayon na wala nang decorations at bare na lahat ang four clasroom walls:
Paano kaya ang alphabets retention sa pre-schoolers kung walang drawing ng apple at banana, etc.?
Ano ang pwede pang makatulong sa mga bata na maging proud at confident sa sarili kung wala ang mumunting achievements na nakapaskil sa mga pader pag halimbawa winner sa art tilts, o nag-top sa exams etc.?
Sa elementary, paano sila matutulungang maalala ang daily tasks sa cleaning na hindi na magre-remind at ma-stress ang teacher araw-araw?
Nakatulong sa akin itong simpleng assignments o tasks na nakadikit sa pader ng silid-aralan para maging organized at responsable ako sa buhay kahit papaano.
Sa high school, paano maalala na si Albert Eisntein at ang kanyang theory of relativity revolutionized the world at nagpalipad ng mga tao sa buwan at unmanned spacecrafts (Voyagers 1 and 2) na tumawid naman sa Interstellar space?
Para sa akin, ang classroom wall decors, posters at iba pang visual aids, ang naging “teacher aide” na non-living things kaya tumagos din sa kamalayan ko ang simple hanggang komplikadong konsepto ng mga bagay-bagay na nagpalaya sa aking kamangmangan.
Kung puro blanko na ang classroom walls, feeling ko nawalan na siya ng personality o appeal, nabawasan ng humanity, nawala na ang stimulants ng imagination.
Instead, mapapalitan na ng pagka-buryong, pagiging idle, nakakairita, kundi man e, nakaka-torture na siya- dahil mukha na siyang selda.
Yun lang.