IKAW ba ay kinapos s budget dahi hindi umabot ang sahod sa susunod na payday? O kaya naman ay may emergency expenses kaya kailangan mong gastusin ang iyong nakaipit for next week?
Pwede kang mag-AICS muna. Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isang cash assistance para sa lahat ng mga taong tinamaan ng krisis lalo na yung mga minimum wage earners, vendor, janitor, waiter, dish washer, security guard, barker, jeepney, pedicab at tricycle driver, labandera, basurero, nangangalakal o street sweeper.
Kabilang sa programa ng AICS ay transportation allowance, medical, burial, food and non-food, at educational assistance.
Maari po kayong pumunta sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City o kaya naman sa mga DSWD Field Offices kung kayo naman ay nasa mga probinsiya nakatira.
Ang AICS program ay pinalakas pa lalo ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa pamamagitan ng pag-promote nito para sa kaalaman ng maraming kapos-palad at sa pamamagitan ng pag-streamline o pagbawas sa red tape na kailangan upang pakinabangan ito ng publiko.
Pinabuksan na rin ng maaga ang mga opisina ng DSWD para maasikaso ang mga mangangailangan maaga upang makauwi kaagad ang mga beneficiaries.
Gaya ni Nemia na isang janitor sa isang opisina sa Quezon City na lumapit sa DSWD. Namatay ang kanyang ina sa Iligan City at kinakailangan nyang umuwi agad. Bitbit ang kopya ng death certificate at kanyang ID, tumungo sa DSWD Central Office si Nemia at humingi ng burial assistance para sa ina at round trip plane ticket. Ayun, nakalipad kaagad si Nemia at naipalibing kaagad nang maayos ang namatay na ina.
Kamakalawa, nagpunta si Jun, isang security guard sa isang maliit na drug store, sa Central Office at humingi ng pambayad sa utang na tuition ng anak upang makuha ang card na gagamitin naman sa pag-enrol ngayon August.
Kaya kung kapos, mag-AICS muna kayo!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]