NAKAKATAWA ang pagiging ‘Maritess’ ng isang naturingang kumakandidatong mayor pa naman sa Maynila.
Nagpatawag daw ito ng isang get-together kasama ang mga kakilala niyang taga-media at sa kalagitnaan ng huntahan nila ay binanggit daw nito na nagprisinta daw ang inyong lingkod na sumama sa kanyang kampo. Wahahh!!!
Ang di niya maipaliwanag ay kung bakit wala ako dun sa pinatawag niyang get-together at kung bakit ni isa sa kanyang mga patawag sa media ay hindi nakita ni anino ko.
Ang hindi ko naman maintindihan ay kung bakit kailangan pang kaladkarin ng mokong na kandidatong ito ang inyong lingkod sa mga ‘drawing’ niyang kwento.
Hindi ako magpapaka-plastic. Lahat tayo ay may kandidatong napupusuan para sa iba’t-ibang posisyon.
Sa ganang inyong lingkod, ang aking personal choice para maging susunod na alkalde ng Maynila, gaya na din ng mga nauna kong pahayag sa aking social media account, ay walang dili’t iba kundi si Vice Mayor Honey Lacuna. Siyempre pa, matik nang si Congressman Yul Servo ang aking bet na kandidato para sa posisyong Manila Vice Mayor.
Hindi ko sila napili dahil lang sa personal ko silang kakilala huh, dahil halos lahat naman ng kumakandidato sa parehong posisyon ay pawang mga kakilala ko rin.
Wala akong balak siraan ang mga kalaban ng Honey-Yul tandem. Ang babanggitin ko na lang dito ay ang mga dahilan kung bakit sila ang mga kandidato na sa aking palagay ay karapat-dapat na maging mayor at vice mayor ng Maynila sa susunod na tatlong taon o siyam na taon kung tatlong termino.
Una sa lahat, sa tagal ko nang nagko-cover sa Maynila ay nakita ko kung paano naging aktibong partner si VM Honey ni Mayor Isko Moreno na ngayon ay tumatakbong Pangulo, sa pagnanais naman na maibahagi sa buong bansa lahat ng magagandang nagawa nila ni Lacuna para sa mga taga-Maynila.
Kung si Lacuna ang magiging susunod na mayor ay siguradong itutuloy nito ang lahat ng merong benepisyong pinakikibangan na ngayon ng mga taga-Maynila, partikular na ang buwanang financial assistance para sa mga senior citizens, university students, solo parents at persons with disabilities.
Nakita ko din kung paano naging epektibong working partner ni Moreno si Lacuna bilang doktora kung kaya’t dito niya iniatang ang aspetong pang-kalusugan ng lungsod gaya ng pamamahala sa anim na ospital na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga taga-Maynila at gayundin sa mass vaccination program ng lungsod, sa tulong siyempre ni Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at assistant chief Dr. Ed Santos.
Marami ang marahil ay di nakakaalam na nakatulong din nang husto sa tagumpay ng lahat ng proyekto sa Maynila ang pagiging Manila City Council Presiding Officer ni Lacuna. Bilang ‘ina’ ng konseho, nagagawa niyang makuha ang suporta ng mayorya o lahat ng konsehal sa lungsod sa tuwing may proyekto si Moreno na kailangan ng pag-apruba ng konseho.
Ke gabi, weekend o piyesta opisyal, napadadalo ni Lacuna ang mga konsehal para magdaos ng special session kapag kailangan ni Moreno ng agarang aksyon ng konseho upang isakatuparan ang isang ‘urgent’ na proyekto, laluna yaong mga may kinalaman sa pandemya.
Siyempre pa, bilang Vice Mayor ay kabahagi si Lacuna ng mga diskusyon at pagbuo ng mga desisyon para sa mga mahahalagang proyekto o hakbangin ng pamahalaang-lokal ng Maynila, kaya sabi nga ni Mayor Isko, ‘kayang-kaya nang pamunuan ni Vice Mayor Honey ang Maynila.’ Kabisado na din kasi nito ang ultimo kasingit-singitan ng pamamalakad sa lungsod dahil naging kaagapay nga siya ng alkalde sa lahat nang oras.
Ang matagumpay na partnership ng Moreno-Lacuna sa Maynila ay inaasahang mauulit sa ilalim ng Lacuna-Servo tandem. Kaya naman sa inilabas na survey ng Publicus Asia, ang laki ng inilamang nina Lacuna at Servo sa kanilang mga kalaban.
Nakuha ni Lacuna ang “highest approval ratings” na 44 percent. Ang mga ‘undecided’ ang siyang pumangalawa sa 19 percent habang ten percent ang hindi bumoto.
Kasunod nito ay si Alex Lopez na may 10 percent; Amado Bagatsing na may eight percent; Christy Lim, four percent; Elmer Jamias, three percent at Onofre Abad, two percent. Pagsama-samahin man ang bilang ng mga kalaban, hindi talaga aabot sa nakuhang percentage ni Lacuna.
Gaya ni Lacuna, si Servo ay nanguna din sa vice mayoral candidates sa Maynila at nakakuha ng 27 percent. Wala ring umabot man lang ng 20 percent sa kanyang mga katunggali sa parehong posisyon.
Kagaya ng mga Manilenyong pumili sa kanila, track record at kalidad ng kandidato din ang aking batayan. Siyangapala, hindi sila ang nagpa-survey ha, magkaliwanagan lang. Publicus ang nagpagawa ng survey at ito ay para sa lahat ng kumakandidato sa National Capital Region.
So, ‘yung imbentor na kandidatong mayor sa Maynila na sinasabing gusto ko daw sumama sa kampo niya, ayaw na ayaw nitong matawag na ‘Maritess’ pero tsismis naman ang lakad.
Kaya nga siya tinaguriang ‘Maritess’ ay dahil nga mahilig siyang maghabi ng kwento laban sa mga kapwa kandidato nang walang batayan. Di ko na papangalanan dahil baka sumikat pa. Hayzzz…
Jokjok (from David San Juan of Paranaque City)
Juan: Lola ingat po kayo ha, nangangagat ho ang mga aso dito
Lola: Alam ko iho. Sa tanda kong ito, wala pa naman akong nakitang aso na nanununtok, sira ka ba?
Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0919-0608558.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]