MARAMI pa rin ang nakabakasyon ngayong araw although tapos na officially ang Undas 2023 at ang nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
At bukod sa nakalipas na bakasyon, meron pa siyempre tayong inaasahang mga holidays sa huling quarter ng taon at marami ang excited na tapusin ang 2023 na masaya.
Kaya lang, may mga trabahong maiiwan at dapat planuhin upang maging “seamless” ang vacation,
yung tipong walang makulit na tatawag sa iyo mula sa opis.
Kaya narito’t naglista na ko na maaaring maging applicable sa inyo lalo na tuwing may long weekend na inaasahan.
- File your leave at least one month in advance.
Kung ang planong bakasyon ng pamilya ay matagal-tagal pa, dapat planuhin na ito. Mas maige na rin ito para makapag-adjust din ang department na iiwan mo. - Budget paghandaan din.
Kaakibat ng pagpaplano ng bakasyon ay ang budget. Mahirap bumalik mula sa bakasyon mo na baon ka sa utang. Sayang ang bakasyon kung pagbalik mo ay mai-stress ka lang dahil sa utang na dapat bayaran. - Gumawa ng “to do” list at kanino ito iiwan na responsibility to handle.
Mag-assign ng tao mula sa iyong team kung sino ang nakakaintindi at uunawa ng iyong responsibility.
This way, madali nilang masagot ang mga kailangan based on the authority you have given, lalo na
kung ikaw ay isang manager at may under training ka nang hahalili sa iyong puwesto, or ang iyong
supervisor. - I-train at i-expose ang iyong alternate para malaman n’ya how to handle situations na kinakailangan
ang presensya mo habang nakabakasyon ka. This way, nakaka-train ka na rin ng iyong kapalit for your
possible promotion or retirement. - Maglagay ng oras o schedule kung kailan ka lamang pwedeng tawagan, if needed.
Kailangan din natin ie-emphasize sa kumpanya that we also deserve some break by taking a vacation
nang sa gayon ay maging balanse rin ang inyong mental health at physical capability. Kaya pagbalik sa trabaho, ang utak mo ay refreshed.
Until next column!