Israel: Berdugo ng mga mamamahayag

“MAAARING ito na ang huling video post ko.”

‘Yan ang sinabi ng Palestine journalist at podcaster, Ayat Khadoura sa English, sa report ng National Public Radio (NPR) ng US, nitong Lunes,  November 27.

Ipinost yan ni Ayat sa kanyang Instagram  ilang linggo bago siya napatay sa sariling tahanan sa Gaza nang paulanan ng mga bomba ng Israel ang Northern Gaza.

Sa report ng International Federation of Journalists (IFJ), isa si Ayat sa 58 mamamahayag na namatay sa Hamas-Israel war na sumiklab, October 7, 2023.

Ang videographer ng Reuters sa Beirut na si Issam Abdallah, ay namatay malapit sa Lebanon border habang dinodokumento ang sagupaan ng IDF at Lebanese militant group Hezbollah.

Nagtatrabaho rin ang Israeli journalist na si Roee Idan,  photographer ng newspaper, Ynet, nang siya ay napatay.

Kasama niyang nasawi ang kanyang asawa sa pag-atake ng Hamas, October 7.

Dinukot at hinostage ng Hamas ang kanilang 4-year-old na babaeng anak ng pitong linggo.

Sa 51 na namatay na nagko-cover sa Gaza, apat sa Israel at 3 sa Lebanon, ayon kay IFJ  spokesperson Pamela Moriniere nang gunitain nila ang mga journalist na nabawian ng buhay, nitong Lunes November 27, Brussels.

Kasama ng IFJ sa pagunita ang National Journalists Union Brussels.

Ayon kay Pamela, “maraming insidente na tinarget ng Israeli Defence Forces (IDF) ang Palestine journalists. Dinala namin ito aa International Criminal Court. Gusto rin naming seryosohin ito ng European Union.”  

Sa tala naman ng Committee to Protect Journalists (CPJ) nitong November 28,  confirmed na namatay ang 50 journalists, 11 ang nasugatan, tatlon ang missing at 19 naman ang inaresto.

Paniwala ng mga media watchdog groups,  ito na ang deadliest attacks sa journalists sa kasaysayan mula nang pumutok ang gyera sa loob ng mahigit isang buwan.

Sa statement nito ring Lunes,  sinabi ng Gaza-based Government Media Office na mula Oct. 7, mahigit 15,000, kasama ang 6,150 bata at 4,000 kababaihan ang namatay, dagag pa ang hindi pa kumpirmadong bilang ng mga bangkay na nagkalat sa mga kalsada. 

Ang official Israeli death toll naman ay pumalo sa 1,200.

Mahigpit ang paniwala ng CPJ sa kanilang documentation at imbestigasyon mula 2001, tinatarget ng IDF ang media kung saan 20 ang kanilang pinatay.

Sa tala, 18 dito ay Palestinians, dalawa ay Europeam at walang Israeli. Wala isa man ang naparusahan.

Karamihan sa pinatay ay may press identification sa kanilang damit at sasakyan at ito pa rin ang nangyayaring pattern hanggang ngayon.

Itinanggi ng Israel ang lahat ng akusasyon. 

Giit ng Reporters Without Borders, dapat respetuhin ng naglalabanang mga pwersa ang mga journalists na nagko-cover ng mga gyera, batay sa Geneva Conventions at Protocols 1949, Articles 79 at 50  at t Protocol 1,  amendment dyan nung 1977. 

Basically, sinasabi na ang mga journalist ay kasama sa civilian population na dapat ay pinoprotektahan.

Sa Protocol 1 amendments, Articles 76 at 77, 15 wt 79, itinatakda ang special protection sa kababaihan, bata at civilian medical personnel at magtalaga ng “measures of protection sa mga mamamahayag.”

Kung sadyang halimaw tulad ng Israel ang kalaban, papatayin nila hindi lang sa ratratan ang mga sibilyan at journalists kundi sa iba-ibang paraan tulad ng blockage ng maiinom na tubig, kuryente at pagharang sa mga nagdaang humanitarian mission attempts.

Sa mga pinatay na journalists, overwhelming majority ay Palestinians at karamihan ay may press identifications.

Nangyari yan noon at nangyayari hanggang ngayon.

Walang sinisino, walang palalampasin, bata man o babae o matanda, medic man o media.

Sa bawat isang Israeli na namatay, ginagantihan nila ito ng mahigit 12 Palestine na kanilang pinatay.

Nakakikilabot. Walang mga konsensya. Sobrang kademonyohan.

Hindi natin inililigtas sa responsibilidad sa mga patayan ang Hamas na unang sumalakay.

Malalim ang galit nila sa Israel na sumakop ng kanilang lupang sinilangan hanggang katiting na lang ang natira sa kanila sa Gaza at sa West Bank.

Ang West Bank ay pinamamahalaan naman ng karibal na  political force ng Hamas – ang Fatah na dating Palestinian National Liberation Movement at siya ngayong kumokontrol sa itinayon Palestinian National Authority.

Pursigidong itatag ng Hamas ang isang malayang Islamic state sa makasaysayang Palestine at hindi nila kinikilala ang Israel at demand nila na lumayas ang Israel sa kanilang teritoryo.

Mismong United Nations ang nag-classify sa Israel bilang occupier state.

Sa ganyan mailulugar ang paglusob ng Hamas sa Israel noong October 7.

Kaya malaking tulong ang 4-day ceasefire ng dalawang kampo naa simulan Biyernes, Nov 24 ng at nagtapos Lunes Nov 28, at na-extend pa ng dalawang araw.

Pinangunahan ng Qatar ng negotiations na sa kabutihang palad ay inextend pa ng dalawang araw sa kasunduang magpapalitan ng preso at naging pagkakataon para makapasok ang humanitarian aid.

Pero paninindigan ng Israel, pupulbusin pa rin nila ang Hamas hanggang makuha ang Gaza strip.

Spell BERDUGO.