MAIKLI ngunit napakalinaw ng mensahe ni Mayor Isko Moreno sa kanyang “kwentong me kwenta” na viral video.
Nang siya ay maging alkalde ng Maynila, ano ba ang dinatnan niyang uri ng lungsod? Isang Maynila na dugyot, magulo at talaga namang hilahod at lugmok.
Ano ang kanyang ginawa? Binilisan niya ang kilos at walang sinayang na oras, kaagapay ang kanyang kapwa masipag at mabilis kumilos na Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer na si Honey Lacuna.
Walang sinayang na oras ang administrasyong Moreno dahil sa nagdaang dalawang taon, ‘yung akala nating lahat na imposible ay naging posible. Ang programang nakalinya na gawin sa loob ng 10 taon ay nagawa sa loob lang ng dalawang taon.
Lumago ang mga negosyo, nagkatrabaho ang mga tao, nanumbalik ang tiwala sa gobyerno.
Bukod diyan, di maikakaila na ibinalik ni Moreno ang dignidad sa tao, pumanatag ang pamumuhay sa Maynila, ang mga krimen ay bumaba at ang droga ay unti-unting nawala.
Sa gitna ng tuloy-tuloy na progreso sa Maynila, ang pamunuan ni Moreno ay hinamong muli ng pandemya.
Gaya ng lahat ng kanyang kilos, naging sobrang mabilis ang naging tugon ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno at pangunguna mismo ni Moreno.
Nariyan ang libreng ospital, libreng gamot, libreng pasilidad at iba pang pangunahing serbisyong pangkalusugan na lahat ay maagap na naihanda at naibigay sa mga nangangailangan.
Tuloy-tuloy na bakunahan ang naganap at patuloy na nagaganap sa Maynila hindi lamang para sa mga taga-lungsod kundi maging sa mga hindi taga-Maynila
Hindi lang ‘yan. Lahat niyayakap ng Maynila, lalo na pagdating sa mga serbisyong medikal sa gitna ng pandemya. Libre ang napakamahal na swab test at mga mamahaling gamot na nakapagliligtas ng buhay ng sinumang tinatamaan ng COVID at napupunta sa severe o critical na kondisyon.
Sa ngayon, libre at bukas din sa lahat ang katangi-tanging Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta na pinamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez at ngayon ay iniaalok pa ni Moreno sa mga overseas Filipino workers at Filipino returnees na nagpopositibo sa COVID sa kanilang pagdating sa bansa. Ito ay tinapos sa loob lamang ng 52 araw.
‘Yan ay para hindi na mabawasan ang kanilang uwing pera at di na sila kailangan pang gumastos sa mga hotel at iba pang binabayarang pasilidad.
Inuna at inuuna ring palagi ni Moreno ang sikmura ng mamamayan ng lungsod.
Sa pamamagitan ng pamimigay ng kahon-kahong ayuda para ang gutom ay mapawi sa bawat pamilya ng lungsod, natulungan ang mga nadiskaril ng masamang ekonomiya dala ng pandemya.
Hindi kailanman tumigil o sumuko si Moreno na ang ginawang solusyon ay ang mabilis na aksyon para solusyunan lahat ng problema sa lungsod.
Ipinangangako ni Moreno na kung nagawa niya ang lahat ng ito para sa Manilenyo ay kaya rin niya itong gawin para sa bawat Pilipino kung palaring maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Inilahad ni Moreno ang kanyang mga binabalak na gawin sa tulong ng mga kapwa Pilipino at sa awa ng Diyos.
Habang di pa nakababawi at hilahod pa sa pandemya ang bansa, tinitiyak nito na tuloy-tuloy umano ang ayuda para sa bawat pamilyang Pilipino.
Ang ani ng magsasaka ay bibilhin ng gobyerno sa tamang halaga at ang kanyang naka-programang bawas na buwis sa krudo at kuryente ay magiging dagdag na kita naman para sa bawat pamilya.
Ang naumpisahang ‘build, build, build’ ay kanya ring itutuloy pero sa kanya naman ay “build more hospitals, build better schools, more housing and create more jobs.”
Ukol naman sa seguridad ng ating bansa, “we will be fearless,” ang deklarasyon ni Moreno.
Sa pakikitungo sa ibang bansa, magiging patas umano siya pero “always, always, always faithtful to the Filipno people.” Tapat sa bayan, tapat sa ating lahat.
Jokjok (fromRichard Mallari of Valenzuela City)
Employee: Boss, pwede ba ako nalang ang papalit dun sa puwesto ng manager natin na kamamatay lang?
Boss: Okay lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya
Employee: Talaga boss, okay lang?
Boss: Sa akin okay lang, ewan ko lang kung papayag ang punerarya!
Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0919-0608558.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]