Impeachment trial kay Sara matinding numbers game

MALAPIT na ang exciting part.

Na-impeached na si Vice President Sara Duterte.

Ang hinihintay na lang ay ang trial proper sa Senado.

Napili na rin sa Lower House ang mga lilitis kay Duterte.

Tandaan natin na ang impeachment trial ay numbers game. 

Nakakuha ng 215 votes sa Lower House. Overwhelming ito. Sobra-sobra sa kinakailangang 105 votes para mailarga ang impeachment laban sa pangalawang pangulo.

Ito ang hinihintay ng Makabayan block, ang makakuha ng enough number of votes para matuloy ang impeachment.

Di nila nakuha, yun pala ay papapel ang mga nasa majority. At hinintay pa talaga nila ang huling araw ng session para sa dramatic gathering of signatures.

Okay na rin ito, dahil ang mahalaga, umusad ang mga reklamo laban kay Duterte.

Ang bola ngayon ay nasa Senado na.

Makakakuha kaya ng 16 na boto sa Senado para tuluyang mapatalsik sa pwesto si Duterte? 

Sa ngayon, may tatlong loyal sa mga Duterte na nasa Senado. May isa naman na hindi rin siya iiwan kahit pa kapatid niya ang pangulo.

Yung iba, mukhang makikiramdam muna kung saan sila makakakuha ng ganansiya. 

Isa lang ang tiyak – may isa nang YES vote para matanggal si Duterte.  

Ilang buwan na lang ay eleksiyon na. ilan sa mga senador ay for re-election. Saan o kanino kaya sila papanig?

Matinding lobbying ang mangyayari rito.

Hindi naman hahantong sa ganito kung sinagot lang ni Duterte ang mga tanong sa QuadCom, ganun lang kasimple yun. Kaso, pina-iral niya pagiging arogante niya.

Di na nga sinagot saan napunta ang milyon-milyong pisong confidential  at intelligence funds, pinagbantaan pa niya ang president, asawa nito, at ang pinsan nito.

Kaabang-abang ang mga mangyayari, kaya naman ngayon pa lang ay bumili na ako ng popcorn na isasalang na lang sa microwave pag nagsimula na ang exciting part.

Isa sa inaabangan ko ay ang mapanood paano ipagtatanggol ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang anak nito.  Makapagtitimpi ba ito at hindi magmumura? Magiging pormal ba siya? 

Exciting! Kaabang-abang.