NOONG Lunes ay inilunsad ang Citizens Movement na Hugpong Para kay Sara.
Isa itong organisasyon na layuning kumbinsihin si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na tumakbo bilang pangulo sa 2022.
Matibay ang pananalig ng HPS na papayag si Sara sa kanilang hiling dahil naniniwala sila na si Sara ang mas pino na Duterte na magpapatuloy nang nasimulan ng ama.
Well, kung titingnan ang Davao ay totoo naman ito. Kung malaki ang iniunlad ng Davao kay Digong sa discipline at peace and order, napakaganda naman ng developments sa negosyo at turismo noong kay Sara.
Ang problema, nais ni Digong na tumakbo bilang vice president sa 2022. At may kasunduan ang mag-ama, isang Duterte lang ang tatakbo sa 2022.
Kaya lumabas ang panawagan ng HPS, na ang bumubuo ay pawang mga DDS, kay Pangulong Duterte na iatras na ang desisyon sa 2022.
Pabayaan naman daw ang anak pinuhin ang mga nasimulan na niya.
Ang tanong, papayag ba naman ang matanda?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]