Sa ikauunlad ng bayan disiplina ang kailangan.
Madaling sabihin pero minsan mahirap sundin.
Tulad na lamang sa kaso ng isang pabibong mambabatas na hindi nahiyang isingit sa listahan ng mga babakunahan kontra COVID-19 ang pangalan ng kanyang binatang anak.
Perfectly healthy, ganyang ilarawan ng aking spotter ang binatang anak ng mambabatas kaya hindi ito maituturing na kasama sa mga listahan ng may co-morbidities.
Sinabi kong hindi nahiya ang ating bida dahil sa totoo lang mas maraming qualified tulad ng mga tunay na frontliners, may co-morbidities at mga senior citizens ang higit sanang nabibigyan ng prayoridad sa bakuna.
Ang mambabatas na ating bida at ang kanyang sikat na misis na senior citizen na rin naman ay tama lang na mapasama sa listahan ng mga unang dapat tumanggap ng bakuna.
Pero ang isingit ang pangalan ng kanilang maskuladong anak ay hindi magandang halimbawa para sa kanilang pamilya na angkan pa naman ng public servants kuno.
Wala itong ipinag-iba sa boyfriend ng isang sikat na aktres na ayon sa aking spotter ay nagsubmit ng pekeng medical certificate para lamang mapasama sa priority list ng mga naunang tumanggap ng bakuna.
Para sa akin dapat pa ring unahin na mabigyan ng bakuha ang mga frontliners na araw-araw ay nakikisalamuha sa mga taong infected ng virus.
Kailangan pa ba ng clue? Sikat si Mr. Mambabatas pero mas sikat ang kanyang misis lalo na sa mga nanay nating mahilig sa movies.