Hello Wage Boards!

PINAPATUNAYAN at ipinapakita ngayon ng mga regional wage boards na obsolete na nga sila. Kung hindi pa nag-ingay ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) simula nitong Enero, hindi sila kikilos para simulan ang proseso ng wage increase ng mga manggagawa sa buong bansa.

Ang national and regional levels ng wage boards dapat ay may mga pag-aaral at recommendations na tungkol sa mga sahod ng mga manggagawa. National and regional levels have the manpower and capacity to study and monitor wage levels.

Since its creation in 1989, the National Wages and Productivity Commission as think tank and secretariat of the wage boards can also make recommendations to the tripartite regional wage boards kung magkano ang kinakailangan na idagdag na sahod at kung magkano ang wage increase ang maibibigay ng board.

But it’s obvious, at the surface, that they are not doing it. Or, some people within the NWPC are doing it but some reason withholding that information to the public.

Business-owners, employers in groups and chambers will surely react against any substantial wage increase. They want to keep wages low to keep profits high. They can make or unmake appointed government officials.

Kaya nga nananakot na sila na magsasara, malulugi at magbabawas o magtatanggal ng mga manggagawa. Itong NWPC at regional wage boards ay halatang takot sa mga banta ng mga negosyante at employers.

Pero sa pag-aaral ng TUCP, nalampasan na ng poverty threshold ang take home pay ng mga manggagawa sa Metro Manila at buong bansa. Ibig sabihin, poverty wages ang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa at binabayaran sila ng maliit na sahod.

Hindi na kaya ng kasalukuyang sweldo na makabili ng dekalidad at masustansyang pagkain na kinakailangan ng isang pamilya upang mabuhay ng desente at maging malusog laban sa mga sakit at maging produktibo sa trabahao ang mga mangulang at maging produktibo at malusog ang mga bata habang nag-aaral.

Dahil napabayaan ng NWPC at regional wage boards ang kanilang tungkulin, hinog na ang panahon upang baguhin ang pagtatakda ng sahod ng mga manggagawa.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]