Galawang US, China at Marcos Jr.

NITONG Martes, August 2, kinondena ng China ang unannounced pero expected visit ni US House Speaker Nancy Pelosi at anim pang mambabatas sa Taiwan, kauna-unahan sa nagdaang 25 years.

Prinotesta ito ng Beijing dahil banta raw sa peace at stability sa Taiwan Strait. Look who’s talking.

Ito na ang sumagad sa pasensya ng China na nagbantang maglunsad ng “targeted military operations” tulad ng pag test launch ng conventional missiles sa karagatan ng Taiwan at air and sea drills.

Banat ni Pelosi, hindi basta tutunganga ang US habang hinaharass ng China ang Taiwan.

Mahaba na raw ang listahan ng human rights abuses ng China tulad ng brutal na crackdown noon sa Hong Kong, panggigipit sa Muslim Uyghurs at iba pa. Tama naman.

Read: https://www.reuters.com/world/asia-pacific/pelosi-expected-arrive-taiwan-tuesday-sources-say-2022-08-02/

Si Pelosi na yata ang pinaka-consistent US diplomat na umaaksyon laban sa human rights violations ng China.

Pagkatapos ng Tiananmen massacre nung 1989, pumunta roon si Pelosi at nagladlad ng banner bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga namatay na aktibista sa mga protesta.

Tinatrabaho na ngayon ng Republicans at Democrats ang panukalang batas na dagdag military support sa Taiwan at papel ng Taiwan sa international organizations.

Read: https://newsinfo.inquirer.net/1639685/taiwan-visit-caps-nancy-pelosis-long-history-of-confronting-beijing

In short, umasa ng mas matinding bakbakan ng US at China over Taiwan.

Dito sa Pilipinas, pagkatapos ng 18 months, meron nang US ambassador sa Pilipinas, si MaryKay Loss Carlson na nagpresenta ng kanyang credentials nung July 22, tatlong araw bago mag-SONA si Marcos Jr.

Si Carlson ay career diplomat na may 36 taong karanasan sa East Asian affairs kasama na ng dalawang assignment sa China.

Hindi rin siya mabebenta dahil marunong siyang magsalita ng Chinese at Spanish, mukha talagang tailored fit sa Philippines assignment niya.

Read: https://businessmirror.com.ph/2022/07/23/new-us-ambassador-arrives-in-manila-presents-credentials-to-bbm-in-less-than-24-hours/

Nauna riyan, bumisita sa Pilipinas si US Deputy Secretary of State Wendy Sherman at delegation nung June 9.

Ayon sa US Embassy, nagkaisa ang dalawang bansa sa importansya ng U.S.-Philippine Alliance sa SEGURIDAD at kaunlaran ng Indo-Pacific region at ng buong mundo. Pahaging sa China.

Kinilala rin ng dalawang bansa ang kahalagahan ng pagrespeto sa mga karapatang pantao at pag-iral ng batas sa Pilipinas. Paalala naman kay Marcos Jr.

Read: https://ph.usembassy.gov/readout-deputy-secretary-shermans-meeting-with-philippine-president-elect-marcos-jr/

Mas tumingkad ang pag-uusap ng US at Pilipinas sa regional security dahil nung araw ding yon nung June 9, mahigpit na prinotesta ng Pilipinas ang pagbabalik ng mahigit 100 Chinese vessels nung April 4 na ilegal na pumasok sa Julian Felipe (Whitsun) Reef na sakop ng Pilipinas at parte ng Kalayaan Island group.

Reklamo ng Pilipinas, ang patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine territorial waters ay paglabag sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at 2016 Hague arbitral decision na pumapabor sa Pilipinas.

Read: https://www.philstar.com/headlines/2022/06/09/2187255/philippines-protests-presence-over-100-chinese-vessels-returned-julian-felipe-reef/amp/

Tit-for-tat din sa Amerika ang diplomatic moves at statements ng China sa Pilipinas at ni Marcos Jr sa dalawang superpowers.

Matatandaang sinabi ni Marcos nung May 18 na gusto niyang mag”shift to higher gear” ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Read: https://www.bangkokpost.com/world/2312026/philippines-marcos-wants-china-ties-to-shift-to-higher-gear

Nitong July 6, bumisita si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Marcos Jr para hubugin naman daw ang “new golden era” sa diplomatic relations nito sa Pilipinas sa gitna ng panghihimasok nito sa ating teritoryo.

Read: https://asia.nikkei.com/Politics/International-relations/China-s-foreign-minister-visits-Marcos-to-deepen-Philippine-ties

Patigasan sila ng mukha para lang makapagsamantala sa mga Pilipino at likas na yaman ng Pilipinas.

Nung bumisita si Sherman, siniguro niya na irerespeto ng US ang “sovereign immunity” ng Marcoses.

Ibig sabihin, hindi aarestuhin ang Marcoses sa $353M contempt charge na kinakaharap nila sa US courts pag bumisita sila sa Amerika.

Read: https://thediplomat.com/2022/06/marcos-jr-is-steering-the-philippines-towards-a-foreign-policy-reset/

Alam naman natin na si Marcos Jr at nanay na si Imelda ay na-convict sa patong-patong na krimen sa loob at labas ng bansa.

Kakaiba ang ballgame sa pulitika ngayon dito sa Pilipinas.

Ang US, China at Marcoses na may lantaran at pasimpleng bardagulan ay pare-parehong nanalasa sa mga karapatang pambansa at pantao ng Pilipinas at mga Pilipino.

Pare-parehong magnanakaw na nagbabantayan na walang mabubudol sa kanilang relasyon maliban sa mga Ka-Publiko.

Magandang abangan at makialam ang madlang pipol kung hanggang saan maninindigan si Marcos ng kanyang independent foreign policy na sinabi niya sa SONA, “”friend to all and an enemy to none”.

Alam din naman natin kung ganu nagpakatuta sa US ang tatay nyang diktador hanggang nilaglag sila ni Uncle Sam.

Si US President Joe Biden ang unang head of state ang bumati kay Marcos Jr. nung May 11.

Pero si Chinese Foreign Minister Wang Yi ang unang foreign diplomat na bumisita kay Marcos Jr sa Malacañang noong July 6, 2022,

Nito lang ding July, nag-commit na ulit ang China na itutuloy nilaang pangakong multibilyong pautang na tatlong railway projects. Ito’y matapos inanunyo ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na kanselado o nag withdraw na ang China na pondohan ng projects.

Ito ang P142-billion Calamba to Bicol 380-kilometer railway project, P50-billion 71-kilometer Subic-Clark railway, at ang P82-billion Mindanao railway project.

Read: https://www.bworldonline.com/the-nation/2022/07/19/462325/china-vows-to-finish-philippine-railway-projects/?amp

Kaya hindi maiiwasan na magduda na salita lang ang independent foreign policy na yan.

Good luck Philippines.