GUYS, panic attack na naman ang gobyerno n’yo.
Nandun na tayo, sumambulat na naman ang coronavirus disease pero wait – “never forget” na dalawang taon na tayong nagdurusa sa kapalpakan ng gobyerno sa pandemic control at prevention.
Otherwise, kung magaling talaga ang presidente vs COVI19, hindi sisirit sa record-high na 33,169 ang infections nitong Lunes? January 10.
Mind you, isang araw yan matapos mag-online piyesta mass ng Nazareno at ipagdasal na matapos na ang pandemic.
Saka, longest lockdown pa nga tayo di ba na itsurang martial law sa buong bansa dahil sa community quarantine na yan.
Kaso, dahil naunahan ng takot na lumala ang sitwasyon at sisihin ang gobyerno, at lalong matalo sa darating na eleksyon, umepal ang Duterte at Duque nang hindi nag-iisip o, nag-iisip man pero sinamantala ang pandemic para mag-demi gods at gipitin lalo ang mga tao.
Eto na nga:
Huwebes, January 6, 2022, naglabas ng DOH Department Circular 2022-0002 si Duque na sa Section E. ay pinaiikli ang quarantine period sa fully vaccinated health care workers sa limang araw na lang.
Kinatigan ito ng parehong araw sa Resolution 156 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF for short, ang malaking barkadahan ng mga bida-bida at hindi inisip kung kakayanin ba ng frontliners ang trabaho.
Syempre ang ultimate siga-sigaan ng batas na si Duterte, pinaka-golpe de takot ang bumubulang anunsyo sa bunganga nung gabi naman ng Huwebes sa kanyang pre-recorded Talk to the People:
Inutos ng Haring Sablay sa minions niyang barangay captains na hulihin ang mga unvaccinated na lalabas ng bahay.
Konting rewind sa pinaghugutan:
Remember ang record low 168 Covid infections noong December 21, 2021?
Maligayang Pasko na sana.
Pero nung sumunod na araw nyan, nagsimula uling umakyat ang dami ng may tama sa 261.
Hanggang humigit sa doble sa bilang na 433 covid cases nun pa man ding kaarawan ng magsasalba sa mundo na si Jesus.
Consistent ang pagtaas ng infections hanggang nag-Bagong Taon at higit 21 times ang idinami sa 3,617 covid cases. UnHappy New Year!
January 5, isang araw bago ilabas ang kambal demonyong anunsyo – may 10,775 Covid infections.
Kayo na ang mag-math, pagod na ko.
Wala ngang putukan sa pagsalubong ng Bagong Taon, pero ang putukan sa Covid, tuloy-tuloy.
At noong January 6, araw ng anunsyo ng shortened quarantine sa healthworkers at warrantless arrest sa mga unvaxxed na lalabas – 10,775 ang new Covid cases.
And the rest of Covid cases are history – take note ha, talagang makasaysayan sa 33,169 Covid infections nito ngang Lunes.
Para lang malutas ang kakulangan ng frontliners pag tumindi pa ang dami ng infections- imbes magdagdag, isasagad nyo pa ang trabaho ng bugbog-saradong nurses, doctors, medical technicians, at iba pa.
Mas binibilang pa ang kulang na hospital beds at ICU kesa ang magmamando rito o tataong frontliners?
Hello, mga tao at hindi bagay ang medical personnel, duh.
Ang kawalang konsensya nina Duque, IATF at Duterte – pinaikli ang isolation at quarantine ng nagka-Covid pero nabakunahang frontliners.
Nagkasakit na nga dahil sa pag-aalaga sa mga pasyente, papasukin nyo pa ng maaga imbes patagalin ang quarantine para maka-recharge nang todo-todo.
Sobrang kakapal ng mga mukha nyo.
Hindi ba nagpoprotesta pa nga sila dahil marami pang frontliners ng gobyerno ang kulang pa o hindi pa natatanggap ang ipinangakong benepisyo ng pandemic?
Tulad ng meal, accommodation and transportation allowance, special risk allowance at COVID-19 compensation benefits.
Ayon sa Alliance of Health Workers, dalawang buwan nang walang supply ng face shields ang frontliners sa San Lazaro Hospital.
Limitado naman ang supply ng N95 masks sa health workers.
Isang nurse lang per shift ang naka-duty sa Lung Center of the Philippines Emergency Room.
Ang Covid ward naman ng Philippines Heart Center ay may ratio na isang nurse sa 24 Covid patients.
Samantalang sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), isang nurse lang ang nangangalaga sa 11 covid patient at 10 pa na exposed naman sa covid.
Kasalukuyan namang sarado ang Out-patient Department (OPD) at iba pang wards ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil kulang sa health personnel dahil marami sa kanila ang infected at naka-quarantine.
Mga manhid, walang malasakit, ang kakapal ng feces. este faces nina Duque.
Pumi-feeling Marcos diktador naman ulit kung makautos si Duterte na pagtitimbugin ang sinumang unvaxed na lumabas ng bahay.
Freedom of choice, right to mobility at due process ang ilan sa mga tahasan mong nilalabag sa utos na yan Duterte.
Alalahanin natin, pati vaccinated na nagka-Covid ay potential spreader din ng virus. So, bakit unvaccinated lang ang ikukulong?
Kelan naman naging krimen ang lumabas dahil hindi pa bakunado?
Ang mga city ordinance na ilalabas tungkol dyan, ano’ng batas ang pinaghuhugutan nito bukod sa utos ng presidente na hindi naman nakasulat bilang executive order?
Wag din nating kalimutan na hindi pa kumpleto ang clinical trials ng mga bakuna kaya karapatan ng mga tao kung piliin nilang wag magpabakuna.
Pag pinilit silang bakunahan at ikamatay nila ito, di ba lalo kayong mananagot niyan?
Ang malala – hindi mo palalabasin ang hindi bakunado pero wala ka namang sapat na ayudang ibinibigay.
Pinaikli nyo ang isolation at quarantine ng medical personnel mong fully vaxed na nagka-covid, pero kulang-kulang ang proteksyon, pagkain, iba pang benepisyo na ibinibigay nyo?
Aba, e papatayin nina Duterte, Duque at IATF at isama na ang LGU ang mga hindi bakunado at health frontliners sa kambal demonyong mga patakaran na ito.
Ngayon pa lang. dapa na kayo sa eleksyon sa ipinatutupad nyong pandemic rules na hindi makatao, hindi siyentipiko at hindi makatarungan.
Call out sa gobyerno na ang tinatarget ay hindi flattening the curve, kundi ang flatlines ng mga frontliner at unvaxed.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]