FPJ Panday Bayanihan partylist para sa mapayapang halalan

ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan sa kung sino ang kandidatong kanilang ihahalal sa nakatakdang eleksiyon sa Lunes, Mayo 12.

Bagamat idineklara ng Comelec na ‘generally peaceful’ ang bansa sa pagpapatuloy ng campaign period, ilang lugar pa rin ang nasa ilalim ng tinatawag na ‘red category’ o pagkakaroon ng bantang kaguluhan ng mga armadong grupo.

Batay sa ulat ng Philippine National Police, umaabot sa 35 election-related incidents ang kanilang naitala kabilang ang 13 kataong napatay.

Kaugnay nito, si Comelec Chairman George Garcia ay nananawagan na maging mahinahon ang mga kandidato at kani-kanilang mga supporters para maisakatuparan ang isang matagumpay na halalan.

“Itaas po natin ang diskurso, yung diskurso patungkol sa problema ng ating bayan, problema ng ating siyudad, probinsiya — hindi po yung personal na atake sa ating mga kandidato at kamag- anak ng ating mga kandidato,” pahayag pa ni Garcia.

Suportado naman ni Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang panawagan ng Comelec na maging malinis, tapat, maayos at mapayapa ang eleksiyon sa darating na halalan.

Nakikiisa rin si Senator Grace Poe sa layunin ng Comelec na maging peaceful, orderly at higit sa lahat maging malinis ang pagdaraos ng eleksiyon sa Lunes.

At habang papalapit ang halalan, ang FPJ Panday Bayanihan ang isa sa mga nangungunang partylist sa mga survey na isinasagawa ng SWS, Pulse Asia, Octa Research at iba pang survey firms.

Sa inaasahang tagumpay ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, nakatitiyak ang mga supporters ni Brian at ang taongbayan na ang tulong at serbisyo na sinimulan ni FPJ ay kanyang ipagpapatuloy.