FATHER AND SON IN LAW MAGBABANGGA SA 2022

Inaantabayanan na ang nalalapit na banggaan ng isang magbyenan para sa mayoral seat sa kanilang lungsod.

Paraan ito para mabawi ng isang beterano pero talunang pulitiko ang kanyang dating pwesto sa lungsod bilang alkalde.

Ang manugang na incumbent Congressman kasi ay napaulat na gustong maging mayor sa kanilang rich city oras na matapos ang termino nito sa Kamara.

Pero balitang ayaw ng byenan na mapunta sa kanyang manugang ang pwesto dahil wala siyang tiwala rito.

Magulang ang talunang pulitiko at gusto niyang apelyido lamang niya ang maghari sa kanilang lugar.

Iyan ang dahilan ayon sa aking spotter kaya bumili ng bahay ang matandang pulitiko sa distrito ng kanyang manugang.

Ma-pride rin naman ang kongresista kaya hindi na ito nag-reach out pa sa kanyang mahal na byenan.

Sinabi ng aking spotter na tiwala ang mambabatas na walang patutunguhan ang ambisyon ng kanyang byenan na muling manalo sa pinag-aagawan nilang lungsod.

Wala namang magawa ang misis ng mambabatas para kausapin ang kanyang ama dahil kundi sa kanilang apelyido ay tiyak na hindi naman siya mananalo sa lungsod na matagal na pinamunuan ang beteranong pulitiko.

Di na kailangan pa ng clue, dahil sila lang naman ata ang mag-anak na nagbabanggaan makapaglingkod kuno lang sa kanilang mga nasasakupan.

Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]