MALAKI ang tampo ng grupo ng mga senior citizen sa kanilang may edad na rin namang mayor.
Nabisto kasi ng nasabing mga lola at lola na expired na ang ilang mga canned goods na ibinigay sa kanila ni mayor bilang Christmas gift.
Nakapaloob ito sa Christmas package ni mayor para pasayahin ang Pasko ng mga nakatatanda sa kanilang lungsod.
Sinabi ng aking spotter na malamang ay hindi alam ni mayor na expired na ang ilang mga de lata na naibigay sa mga senior citizen.
Posible rin namang na-onse ang mga tauhan ni mayor sa city hall na nasa likod ng proyekto ng pamimili para sa Christmas giveaways ng alkalde.
Nabisto kasi na expired ang mga de lata nang mapansin ng ilan sa mga lolo at lola na binura ang expiration date ng nakuha nilang canned goods.
Dahil sa pagmamadali marahil na burahin ang petsa ay may ilang pirasong de lata ang nakalusot kaya iyun tuloy nabisto na lampas na sa expiration period ang giveaways ng opisyal.
Ewan ko lang kung may kinastigo na ang alkalde sa kanyang mga tauhan o supplier ng expired na produkto.
Hindi biro ang sakit na pwedeng makuha ng kanyang mga kababayan dahil lamang sa nasabing simpleng kapabayaan.
Nasa kanyang last term na si mayor at ang balita ko ay tatakbo na siya sa ibang posisyon doon rin sa kanilang mahal na lungsod.
Madali lang ang clue. Lugar ng mamahaling gated villages ang kanilang lugar na nasa Metro Manila.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]