Ika-4 na kaso ng Omicron kinumpirma ng DOH

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes ang ika-apat na kaso ng Omicron Covid-19 variant.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang kaso ay nagmula sa isang 38-anyos na traveler mula sa United States ang dumating sa bansa noong Disyembre 10 via Philippine Airline flight PR127.

Nasa home isolation na ang pasyente matapos siyang ma-clear mula sa facility isolation nitong nakaraang Disyembre 24.