Ex-official sangkot sa pagpasok ng ilang Chinese firms sa bansa

HINDI lang pala sa pagkubra ng pera kapalit ng pwesto sa pamahalaan ang kinasangkutan ng isang dating powerful na government official.

Sangkot rin siya sa pagpasok sa bansa ng ilang Chinese firms na nagbitbit pa ng kanilang mga sariling tauhan mula sa China.

Sinabi ng aking spotter na isa-isa nang kinakalkal ang mga maanomalyang proyekto na pinasok noon ng pinatalsik na mataas na na opisyal ng pamahalaan.

Pinakahuli sa nadiskubre ng aking spotter ay ang pagpasok sa Manila Bay ng ilang Chinese firm na busy ngayon sa reclamation.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na sangkatutak ngayon ang reclamation project sa Manila Bay.

Dumaan naman sa pamantayan ng environment department ang proyekto pero ang hindi maganda dito ay mga Chinese ang gumagawa ng mga trabaho na dapat sana ay mga Pinoy.

Kasama kasi sa ilan sa mga proyektong ito ang mga kumpanya na pagmamay-ari ng nga kaanak at kaibigan ng dating opisyal ng Gabinete.

Siya ang dahilan kung bakit nakakuha ng kontrata ang mga ito at syempre hindi ito libre dahil katapat nito ang malaking halaga ng love gift.

Ganito rin ang style ng dating opisyal sa mga gustong magkaroon ng pwesto at kontrata sa gobyerno noong siya pa ay makapangyarihan sa Gabinete.

Siya na ang bahala pero dapat ay may kapalit na pabuya.

Ilang beses rin niyang ginamit sa kalokohan ang pangalan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno sa kanyang mga kalokohan hanggang sa mabisto ito ng ilang mas mauutak na “kababaihan”.

Ang dating opisyal na ngayon ay isa-isa nang lumalabas ang mga kinasasangkutang kalokohan ay si Mr. V….as in Voltes V. 


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]