Jisoo ng BlackPink May solo album na

MAGLALABAS ngayong taon ang miyembro ng K-pop group Blackpink na si Jisoo ng kanyang solo album.

Kinumpirma ng agency ng South Korean girl group na YG Entertainment ang solo album ni Jisoo.

“Blackpink’s Jisoo is currently working hard on recording her solo album. While carrying out a busy world tour schedule since last year, she finished the album jacket photo shoot and worked on music production whenever she got the time in order to keep the promise with fans. She will greet [fans] soon with good news,” sabi ni YG sa isang pahayag.

Nauna nang naglabas ang iba pang miyembro ng Blackpink na sina Jennie, Rosé at Lisa ng kani-kanilang solo album.

Nakatakdang mag-concert sa Philippine Arena sa Bulacan ang Blackpink sa Marso 25 at Marso 26, 2023 bilang bahagi ng kanilang “Born Pink World Tour.”