MUKHANG may nanalo na sa mga unang batch ng Gabinet ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito ay si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.
Eh, paano naman kasi, 10 araw pa lang sa pwesto itong si Erwin, gumawa na agad ito ng impact sa mga poor and vulnerable communities na siyang pangunahing kliyente at constituents ng DSWD lalo na yung mga nasa underground economy at yung mga nasa pinakalaylayan ika nga.
Unang pinalakas ni Sec. Erwin ang bureaucracy ng DSWD sa Central Office at sa mga regional offices nito. Masisipag at very professional ang mga DSWD at swak ang inspiration at motivation na ibinigay nya sa mga ito.
Inayos din niya ang structure ng organization lalo sa central office na siyang nagsisilbing utak ng makinarya ng frontline agency na nagbibigay serbisyo at kalinga sa mahihirap na mga Pilipino.
Matapos ayusin ang central office, inihanda rin nya ang mga warehouses ng DSWD para masiguro na mabilis maipamamahagi ang relief assistance sa mga nasalanta ng anumang kalamidad.
Higit sa lahat, binawasan ni Sec. Erwin ang bureaucracy at red tape sa pagkuha ng cash assistance gaya ng pamasahe, panglibing, pambayad sa ospital, at iba pang assistance para sa mga lumalapit at tumutulong sa DSWD central and regional offices.
Kasalukuyang pinaplantsa ang paglilinis ng listahan at pagsasa-online and digitalization ng mode of payment sa mga cash subsidy beneficiaries.
Inaayos na rin ang mabilis na responde ng mga natatanggap na report sa mga hotline ng DSWD at ang quick reaction unit hinggil dito.
Lumalabas na mukhang milya-milya na agad ang distansya ni Sec. Erwin kung ikukumpara sa mga napiling Cabinet members ni PBBM.
Napakalawak at napakalalim na ng kahirapan. Dahil sa extraordinary inflation, unemployment, underemployment, Endo and contractual workers, (at dahil sa inefficient executive officials & underutilized resources) maraming mga formal workers ang nahuhulog araw-araw sa butas papunta sa informal economy o yung underground economy.
Kaya itong ipinapakita ni Sec. Erwin na uri ng serbisyo at liderato sa DSWD, ito ang hinahanap ng ating mga mahihirap na mga kababayan sa mga naglilingkod sa gobyerno.
Sana lalo pang dumami at lumawak ang makinabang sa serbisyo ng DSWD. Ganito rin sana kabilis at ka-efficient at iba pang miyembro ng Marcos Cabinet!