REAL talk na binudburan ng trash talk tayo ngayon sa nakakabuset na si Marcos Jr.
Dapang-dapa at gumagapang ngayon sa hirap at dusa si Ferdinand Marcos Jr.
Hindi pa man nagsisimula ang kampanya, ligwak na sa kankungan si Marcos Jr.
Alam na this syempre.
Na-double whammy siya ng disqualification cases sa kanyang presidential candidacy at usap-usapan na siya ang laman ng bintang ni Pangulong Duterte na kandidato na nagko-cocaine.
Mag-asawang sampal na sinundan ng bigwas at tadyak ang mga aksyon at banat na ito laban kay Marcos Jr.
Unang pinaputok ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang panawagan na kanselahin ang kandidatura ni Marcos Jr.
Ang dahilan: minarkahan ni Marcos Jr. ang “no” box sa kanyang COC bilang sagot sa tanong na kung napatunayan na bang lumabag siya sa batas na may parusang habambuhay na disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno.
Pinatotohanan pa niya ito sa notaryo publiko.
O di ba, ang dumi gumawa ng krimen, nagkalat ang mga ebidensya.
Ang tawag dyan ay false misrepresentation.
Noong 1995, convicted si Marcos Jr sa kasong hindi pag-file ng mandatory income tax returns mula 1982-1985 lalo’t naging vice governor at governor siya noon.
Pinagmulta siya ng P30,000 at kalaboso ng tatlong taon.
Convicted din siya ng seven counts ng tax violations na meron ding parusang multa at imprisonment.
Nakapagtataka lang at tinanggal ng Court of Appeals ang parusang kulong gayung kinatigan nito ang desisyon sa apat na kaso.
Sa Section 12 ng Omnibus Election Code, kapag ikaw ay na-convict sa krimen na kaugnay ng “moral turpitude”, disqualified ka agad-agad. Ang kasong tax evasion ay moral turpitude, ayon kay Justice Carpio.
Ang moral turpitude ay masamang asal o pag-uugali.
Mantakin mo, kung may moral kang tao, hindi ka magtatrabaho sa gobyerno nang paulit-ulit mula 1982-1985 na tax evasion convict ka. Sobra yang pambabastos sa batas sa eleksyon at buwis.
Eto pa pangalawang pasabog sa mukha ni Marcos Jr.:
Lumabag si Marcos Jr. sa Section 253-C ng Tax Code na nagsasabing kapag ikaw ay public officer o opisyal ng gobyerno at nilabag mo ang Tax Code, sibak ka sa pwesto at habambuhay na banned kumandidato, hindi ka makaboboto o maiboboto.
Kung noon ay nakalusot siya at naging gubernador, congressman at senador, ngayon hindi na.
At kung palusutin siya sa isang batas, hindi siya pwedeng palusutin sa isa pang batas.
Walang kawala. Kuyog si Marcos Jr ng dalawang batas sa Omnibus Election at buwis.
Si Romeo Jalosjos ay dinisqualify ng Comelec na tumakbo sa pagka-mayor sa Zamboanga City noong 2013 dahil convicted child rapist siya noong 1997.
Pinagtibay pa ng Korte Suprema ang conviction na yan.
Ang hindi ko maintindihan sa Comelec, pinayagang mag-extend ng pag-submit ng reply sina Marcos Jr sa disqualification petitions e pinagbabawal mismo yan ng Comelec at marami nang kandidato ang hindi pinalawig ang deadline sa pagsagot sa mga petisyon.
Napaghahalata naman masyado ang Comelec.
Alam ng Comelec na magkakagulo pag pinaboran nila ang pagtakbo ni Marcos Jr. sa palpak na moves nila.
Bukod pa riyan, nilaglag ni PDuts si Marcos Jr nang sabihan itong “spoiled” at “weak leader”. Tingin din ng marami siya ang tinutukoy sa pa-blind item ni PDuts na kandidato na gumagamit ng cocaine.
Majority ng Comelec commissioners ay appointed ni PDuts.
Sa palagay nyo ba gugustuhin nilang galitin ang nag-appoint sa kanila pag pinaboran si Marcos Jr.? Hindi.
Pinakamatinding babalagbag sa Comelec ang galit ng taumbayan pag di sila umayos nang pasya.
Pwera na lang kung maipasa nila ang pagdedesisyon sa korte para lusot sila.
Ang bintang ni PDuts na may presidential aspirant na gumagamit ng cocaine ang isa pang nagpapanginig ng katawan ni Marcos Jr.
Ginalit kasi niya si Digong nang nabilog ni Marcos Jr ang ulo ni Mayor Inday Sara para tumakbong bise nya.
Napilitang umangat at tumakbong presidente ang sunud-sunurang si Bong Go.
Matik na susuportahan ni Duterte si Go kaya gigibain nya si Marcos Jr.
In short, ginulo ni Marcos Jr ang planong line-up ni Duterte na Sara-Go na ipinain sa pambansang kahihiyan at pinagmukhang tanga si Bato dela Rosa.
Ano ba ang totoo sa balitang nagko-cocaine daw itong Marcos Jr?
Positive na positive kaya ang mga source natin na open secret daw sa sirkulo ng mga Marcos at kanilang mga tropa ang sinasabing paggamit niya ng cocaine?
True din kaya na narehab din si Marcos Jr. sa Thailand bago siya pumunta sa Singapore via private plane.
Ano rin ba itong kumakalat na chika na minsan daw ay ikinulong ang misis nito sa loob ng dating opisina sa Kamara dahil sa sobrang kalasingan?
True kaya na ang mga isyung ito ay bumabarena sa kalamnan at konsensya ni Marcos Jr. ngayon?
At ang nakakatawa pa, gaya-gaya rin si Marcos Jr sa papogi moves nina Ping Lacson at Tito Sotto sa drug test sa elected at tumatakbong politiko.
FYI mga Ka-Publiko, pag gumamit ka ng cocaine, mate-trace yan sa dugo o laway test nang hanggang dalawang araw. Sa urine test, tatagal ang cocaine o metabolites nito ng hanggang tatlong araw.
Mananatili naman ng maraming buwan o taon ang cocaine sa buhok kaya meron ding hair test.
Pag heavy user ka ng cocaine, magpopositibo ka sa urine test ng hanggang dalawang linggo.
Ang tanong: Ano’ng klaseng drug test ang ginawa ni Marcos Jr?
Tulad ba yan ng urine test nina Lacson at Sotto na multi-drug test para sa apat hanggang limang substances?
Kilala si Duterte na pikon, nagkikimkim ng galit at mapaghiganti.
Kaya magdadalawang-isip ang Comelec at Korte Suprema sa pagdedesisyon ng disqualification ni Marcos Jr.
Pwera na lang kung drama lahat ito at big time na lokohan sa mga botante. O kaya ay mangyari ang isang No El as in no election scenario.
Ang mga twist na yan ang dapat paghandaan ng madlang pipol para hindi na kailanman makapaghasik ng panibagong lagim ang mga kampon ng demonyo.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]