HANGGANG nitong March 25, 2022, mahigit 3.7 million Ukrainians na ang nagbakwit sa iba-ibang bansa sa Europa bunga ng bakbakan ng Russia at Ukraine.
Nakakapanghina at nakakaawa na ang ganitong karaming refugees ay katumbas ng isa bansang tulad ng Georgia.
Sa katunayan, ang refugee crisis na ito sa Ukraine ang pang-anim sa Top Ten Largest Refugee Crisis sa nagdaang 60 years sa kasaysayan ng mundo, ayon sa analysis ng Pew Research Center sa datos ng United Nations.
Basa:
Kaya naman kahit papaano, makabagbag-damdamin ang pagtanggap ng European countries sa refugees – na as of March 29 ay pinatuloy ng Poland, Germany, Slovakia, Hungary, France, Spain, Austria, Lithuania at Czech Republic.
Ito’y kahit napipilitan silang tanggapin dahil humangos sa kanila ang exodus
Basa:
https://www.newsy.com/stories/how-will-european-countries-deal-with-refugee-influx/
Kahit nasa kabilang dulo ng mundo, ang Pilipinas ay nag-alok din ng panunuluyan sa refugees kaya naman pinuri tayo ng United Nations. Palakpak for the effort.
Basa:
Ito’y kahit may 18.4 million ang mga Pinoy na mahirap at walang sariling paninirahan sa sariling bayan batay sa 2019 datos.
Basa:
https://radicalhousingjournal.org/wp-content/uploads/2019/04/06_Retrospectives_Dizon_105-129-1.pdf
Throwback June 2021:
Nag-peak sa 6.8 million ang Syrian refugees na tumakas sa Syrian civil war na nagpatuloy ng 11 taon.
Basa:
https://www.unrefugees.org/refugee-facts/statistics/
Sa 128 bansa na tumanggap ng mga bakwit na Syrian, ayon sa United Nations, dalawang bansa lang ang umako ng pinakamalalaking bulto ng Syrian refugees: 59% Germany at 11% in Sweden, ayon pa rin sa UN High Commission on Refugees, nito lang Mar 8, 2022.
Ang ibang bansa lalo na ang mga mayayaman – token lang, pakitang tao, ang tinanggap na Syrian refugees – masabi lang na nagkupkop din sila ng refugees.
Bago pa man lumusob ang Russia sa Ukraine, dumadaing at hati ang Europe sa dami ng kakanlunging Syrian refugees.
Obserbasyon ko at base na rin sa datos at impormasyon sa pagsabog ng Ukraine refugee crisis, nalantad ang diskriminasyon sa pagtanggap ng war refugees mula sa iba-ibang bansa.
Kapag non-white at Muslims, atubili. Pero kapag white at non-Muslims – aligaga.
Kung paanong nag-aaway-away ang Europe sa pagkupkop ng Syrian refugees, kabaligtaran ang ipinakita nilang pagkakaisa na tanggapin ang lumikas na Syrian refugees.
Napansin ni Andrew Geddes, Director of the Migration Policy Centre na kapag Ukrainian refugees ang kumakatok, pasok agad sa mga bansa sa Europe, pero pag non-white, kundi man nililimitahan, sinasarhan ng pintuan.
Ang salita niya – “very warm welcome” ang Europe Ukrainian refugees, samantalang malupit o “hostile” ang pagresponde sa Syrians at iba pang asylum seekers mula Africa at Middle East. Hello, mga tao rin sila kahit blacks.
Poland, Hungary, Slovakia, at Czech Republic pawang European Union members ang mga bansang pumapalag sa pagtanggap ng Syrian refugees.
Sa pagbagsak ng Kabul, gabyan din ang ipinadamang asal ng Europe sa Afghanistan refugees nung August, 2021
Basa:
Ang sasama ng ugali, sumulat pa ang limang bansa – Austria, Denmark, Belgium, the Netherlands, Greece and Germany noong August 5, 2021 – sa European Commission para magbabala sa pagpapapasok ng Afghan asylum seekers.
Basa:
Noon namang July 2019, binaril ng European commission ang panawagan ng UN Refugee Centre (UNCHR) na pigilan ang pagpapabalik ng Libyan refugees na na-rescue sa karagatan, sa kanilang bansa na may gyera.
Eto pa:
Sa imbestigasyon na ginawa ng The Outlaw Ocean Project, na inilabas sa NBC News noong November 29, 2021, hinarang ng isang Libyan coast guard ang Libyan refugees maski nasa labas sila ng Libyan territorial waters nung February 4, 2021.
Pinagdadampot sila at pinagbubugbog at ikinulong sa gulag detention centers.
Namonitor kasi ng surveillance camera ng reconnaisance plane ang bangka bangkaan ng may isandaang lumilikas na refugees habang tumatawid ng Mediterranean Sea papuntang Europe.
Agad na pinadala ang surveillance footage sa Warsaw, Poland at headquarters ng Frontex, ang European Union border patrol agency.
Itinimbre nila ito sa Libyan Coast Guard na tumimbog sa refugees.
Dahil diyan, inulan ng batikos ang border agency ng Europe dahil sa brutal na pagtrato sa mga migrante.
May mga insidente pa pamamaril sa mga motorboat na sakay ang mga lumilikas na Libyan.
Basa:
https://www.nbcnews.com/news/amp/rcna6778
Sa Ukraine-Russia conflict, maraming non-white refugees kasama ang 80,000 plus estudyante mula Asia at Africa ang hinohold sa Poland border. Pinaghintay sila sa mga train station ng tatlong araw.
May Nigerian students sa train sa Poland ang hinarass at ininsulto ng Poland security guards at natrauma.
Basa:
Confirmed ito ni United Nations High Commissioner on Refugees Filippo Grandi nung March 1, 2022.
Mahigit 600 Indian students naman ang dinala sa basement ng university dorms sa northeast Ukraine.
Sa bidyong pinost nila sa social media, sinabihan daw sila na pinae-evacuate sila sa western border at sumakay doon ng bus o train pero wala namang bumabyahe sa nasabing lugar.
Basa:
Ang mga diskriminasyon na ito sa maraming taong nagdaan ay umabot sa top court ng European Union.
Noong April 2020, hinatulang guilty ang Poland, Hungary at Czech Republic na lumabag sa EU law nang tanggihan nila ang pagkupkop sa mga refugee.
Ang malala ngang nangyari, noong November 2021, nagkaron ng military standoff ang Poland at Belarus dahil pinigilan ng Poland ang pagpasok ng asylum seekers mula Middle East at Africa.
Nagtayo rin ang Poland at iba pang bansa ng metal wall sa Belarus Border para harangin ang pagpasok ng refugees.
Hindi miyembro ng European Union ang Ukraine pero bago pa nagsimula ang gyera, labas pasok ang Ukrainians sa EU nang walang visa.
Katunayan, inaapproved pa ng EU ang isang emergency plan na pinapayagan ang Ukrainians na maniragan at magtrabaho ng hanggang tatlong taon.
Kabaligtaran ito sa daan-daang migrante mula Iraq, Syria at Afghanistan at iba pang bansa na stranded at the border ng Belarus and Poland nung isang taon.
Ang mga bansang Syria, Afghanistan, Iraq at Libya na milyon-milyon ang refugees ay mga nananampalataya sa Islam.
Bugbog sa terrorist attacks ang mga bansa sa Europe na kadalasang ibibintang nila sa Islamic groups.
Mahirap bang isipin na kaya dini-discriminate ng West ang mga refugee mula Syria, Afghanistan, Libya, Irag at iba pa ay mga Muslim?
Pero kasumpa-sumpa na idamay ang milyon-milyong sibilyang naiipit sa mga kaguluhan na kadalasang sinulsulan ng US.
Pero nasaan na nga ba ang Amerika sa gitna at pagkatapos ng mga gulong ito?
Nasa malayo at papetiks petiks ang basura – hiwalay sa kontinente ng Europe, Middle East at Africa na sentro ng mga kaguluhan.
Mula 2017 hanggang noong isang linggo, dedma ang US sa refugees.
Kung dati top country ang US para sa refugees, ngayon, nasa laylayan na siya.
Ang US na promotor ng mga kaguluhan, kulelat na sa paglilinis ng kalat at pagsalo sa mga problemang iniwan ng mga gyerang kanyang sinulsulan at ginatungan.
Basa:
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]