Discourse your face

HINDI pa man nagsisimulang magtrabaho, kabi-kabila na ang batikos kay incoming secretary ng Presidential Communications Operations Office, Atty. Trixie Cruz Angeles.

Si Angeles ay naging social media strategist sa PCOO mula July 2017 hanggang 2018, panahon ni Presidente Rodrigo Duterte.

Naging lawyer din siya ng isa sa Magdalo mutineer na si Nic Faeldon at expelled Iglesia Ni Cristo worker Lowell Menorca at asawang Jinky.

Tatlong taon siyang sinuspinde o pinagbawalang mag-practice ng law ng Supreme Court noong August 2016, dahil sa isang kaso na naningil sila ng P350,000 lawyers’ fees na hindi naman nila trinabaho.

Paglabag sa Code of Professional Responsibility in relation to the annulment case of petitioner Cleo Dongga-as.

Read: https://www.rappler.com/nation/142504-supreme-court-suspension-trixie-cruz-angeles/

Nitong Martes, May 31, 2022, sa kanyang TeleRadyo interview, sinisi ni Angeles ang kakulangan ng diskurso o talakayan sa mga importanteng isyu at pangyayari kung kaya raw nagkalat ang misinformation at disinformation.

Read: https://news.abs-cbn.com/amp/news/05/31/22/new-pcoo-chief-blames-lack-of-discourse-for-spread-of-misinformation

“Issue talaga ang disinformation lalo na noong nagdaang halalan. Ang pino-propose namin is to bring discussion on what constitutes misinformation and disinformation. Lahat ito mahalaga ang diskurso,” sabi ni Angeles.

Sabi pa nga niya ang malayang pamamahayag ay hindi nangangahulugan na parating may kalutasan sa mga isyu o problema:

“Free speech doesn’t imply that we need to come up with a resolution every time. Sometimes, free speech is just expression. And sometimes that expression includes a question. The point of the matter is to allow discourse and that is what free speech is about.”

Read: https://pia.gov.ph/news/2022/05/31/discourse-is-necessary-to-stop-the-spread-of-fake-news

Tama, issue ang disinformation at misinformation nitong katatapos na eleksyon.

Dahil bukod sa pandaraya at pamimili ng mga boto, nanalo si Marcos Jr. dahil sa dis/misinformation campaign nila sa mga bulag na tagasuporta at botante.

Saan ka nakakita – si Marcos Jr ang kandidatong hindi naman nag-top sa senatorial race, ang dami ng boto ay doble ng bumoto kay Duterte noong 2016, natalo sa vice presidential election, tapos nakabudol ng 31 milyong boto? Mahika ng kadiliman lang ang makakagawa niyan.

Sinadya ang dis/misinformation drive na ito, sistematiko, pinondohan at may makinarya para lokohin, pag-awayin at paghiwalayin ang mga kandidato lalo na ang mga botante at pagharian sa bandang huli, o divide and rule.

Tama rin na mahalaga ang mga diskurso PERO, hindi para alamin kung ano ang dis/misinformation dahil pag ‘yan ang gagawin ni Angeles, imbes resolbahin ang mga isyu o problema, matatali ang usapan sa pagtukoy ng dis/misinformation.

Magtatalakay o magdidiskurso ng isyu o problema para maghanap ng solusyon, hindi para mag-identify ng dis/misinformation – focused dapat sa issue resolution.

Sa proseso ng pagtalakay sa isyu, susulpot at maiwawasto naman ang anumang dis/misinformation doon kung meron man.

Ang mga isyu o problema ay nireresolba sa pamamagitan ng paghimay ng katotohanan, pinag-ugatan at epekto nito sa mga indibiduwal, grupo, bansa, kabuhayan, kultura atbp.

Nagmumukhang tricky, play of words kundi man pa-cute or public relations stunt lang ni Angeles ang diskurso sa dis/misinformation pero sa totoo lang, rubbish, kundi man e, mema lang ang statement nya tungkol dyan.

Mas naging kaduda-duda ang mga pahayag niyang iyan kung babalikan ang naging stand n’ya sa mga Marcos dati.

Nag-trending kasi ang mga tweet ni Angeles laban sa mga Marcos dati na ang iba ay mababasa pa sa kanyang Twitter account.

Isa na rito ang tweet niya noong February 2013:

“True justice is when we see at least Imelda Marcos in jail.”

Nagalit din si Angeles sa tweet niya noong November 2016 dahil hindi na-convict ang Marcoses pagtapos ng EDSA People Power Revolution.

Reply niya yan sa tweet ni Sass Rogando Sasot na isa ring pro-Duterte vlogger tulad niya:

“It galls me that not a single Marcos was ever convicted post EDSA. PNoy got Corona thrown out on sheer willpower alone,” tweet ni Angeles.

Sa isa pa niyang reply, umasa pa si Angeles na mabibigyan ng hustisya ang pinatay na dating Senador Benigno Aquino III:

Ang tweet niya:

“Justice for Ninoy too. Or have they forgotten that this case is unresolved?”

Read: https://interaksyon.philstar.com/politics-issues/2022/05/26/218166/press-secretary-trixie-cruz-angeles-tweets/

Kaya sa una niyang press briefing noong May 26, tinanong siya tungkol sa anti-Marcos tweets niya- anyare?

Inamin niyang sinabi niya ang mga tweet na yon.

Pero nagbago na raw ang pagtingin niya tungkol sa mga Marcos.

“Aren’t people entitled to change their minds? I think we are ‘di ba?” sagot ni Angeles.

Yes, entitled tayo na magbago ng isip pero hindi para sa kasamaan at kawalan ng hustisya, kundi para sa kabutihan at sa katarungan.

Alam naman daw ng marami na vlogger siya at malawak daw ang pagtalakay niya sa isyu.

“And I’ve told my story about how and when I have changed my mind about it,” hirit ni Angeles.

Read: https://interaksyon.philstar.com/trends-spotlights/2022/05/27/218249/luke-espiritu-recalls-being-allies-with-next-pcoo-chief/amp/

Di ba, very chameleon o hunyango ang sagot niya na yan?

“I think evolution is a natural thing even among our consciousness,” paliwanag pa niya.

Pwede naman, dahil ang evolution ay pag-angkop o pag-adapt sa nagbabagong sitwasyon.

Sa simpleng salita, nagbago si Angeles ng pananaw niya sa Marcoses base sa pansariling interes.

Yan ang definition ng hunyango.

Read: https://www.tagalog.com/words/hunyango.php

Ang problema niyan, imbes progress ang direction ng diskurso sa mga isyu, magiging retrogress; imbes pasulong, magiging paatras.

Paano susulong ang magagandang ideya sa isang diskurso o talakayan kung itinatakwil niya sa pamamagitan ng pagbaluktot sa historical facts, o ang pananaw sa mga isyu, dahil inalok siya ni Marcos ng pwesto sa gobyerno?

Mag-e-evolve ba ang free expression sa diskurso kung inilugar na agad ang mga isyu, problema at pangyayari base sa mindset o pag-iisip ni Marcos Jr dahil sa kanya na magtatrabaho si Angeles?

Hindi, dahil kinukunsinti niya ang mali, kinokontra niya ang kasaysayan, nilalabanan niya ang pagbabago.

Tuloy-tuloy kasi ang dis/misinformation tungkol sa naging kasaysayan ng Marcos dictatorial regime na ipinakakalat ng Marcoses at mga alipores nila: ito’y para burahin sa isipan ng mga Pinoy ang kanilang karumal-dumal na mga krimen laban sa taumbayan.

Halimbawa na riyan ang human rights violations, tulad ng tinatawag noong “salvagings” o summary execution na ngayon ay extrajudicial killings; ang pandarambong ng higit $10B, pagkanlong ng cronies, at iba pa.

Ang problema pa, si Marcos Jr na pumili kay Angeles para magkalihim sa PCOO, ang mismong promotor sa pagbabaluktot ng kasaysayan, pagkakalat ng kasinungalingan, umiwas sa mga presidential debate, pagbabayad at pagbubudol ng mga botante.

Meron man siyang dinaluhang presidential debate, yun lang sumuporta sa kanya tulad ng SMNI.

Tapos sa unang media interview niya noong May 26, pinili lang ni Marcos Jr ang pinaunlakan nya ng interview:

Reporters ng Apollo Quiboloy-owned SMNI, Iglesia ni Cristo-controlled NET25, and GMA News. Ang may-ari ng SMNI at NET25 ay inendorso si Marcos Jr.

Umiiwas siya sa Rappler o kaya, hindi niya sinasagot ang mga tanong tungkol sa pagnanakaw, pamamaslang ng Marcoses, etc.

Angeles, hindi mo pwedeng i-PR stunt ang 107,000 plus victims ng martial law.

Napaka-walang konsensya lang ang gumagawa niyan at mga demonyo lang ang matutuwa.

Read: https://newsinfo.inquirer.net/1490968/marcos-martial-law-golden-age-for-corruption-abuses/amp

https://hrvvmemcom.gov.ph/list-of-victims-recognized-motu-proprio/

Hindi kailanman mababaluktot ang karumal-dumal na pagnanakaw ng Marcoses at cronies na minsan nang naitala sa Guinness Book of World Records bilang Greatest Robbery of a Government.

Read: https://www.tsek.ph/fact-check-guinness-world-records-removing-marcos-entry-absolves-dynasty/

https://www.washingtonpost.com/archive/politics/1986/03/21/marcos-papers-show-global-financial-web/3828ae83-ba50-47ab-8f6a-ad90f144a747/

https://hrvvmemcom.gov.ph/ill-gotten-wealth-recognized-by-the-philippine-supreme-court-2/

Hindi mo mabubura sa kasaysayan at anumang diskurso, ang kasuklam-suklam na thought control ng diktador na si Marcos at ang tahasang pagpapatahimik sa media noon.

Read: https://www.scribd.com/document/476633483/Ferdinand-Marcos-Letter-of-Instruction-No-1.

Lahat yan ay historical facts na, nadokumento na yan, digital footprints na, nangyari na.

Wala ka nang magagawa.

Discourse your face.