Create your own safe bubble

MALAWAK at malalim na rin ang ating karanasan sa ilalim ng COVID-19 pandemic health and economic crises. Seventeen months na tayong nasa state of national emergency ngayong September 2021.

Kamag-anak, kaibigan at mga kakilala ang tinamaan na ng virus ang nasawi, nagkasakit at naka-survive. At kung survivor ka, hindi pwedeng magpakampante pa.

Napaka-expensive maospital dahil sa COVID. Nasa P40,000 pataas ang bayad sa hospitalization at medication kapag mild cases. Nasa P2 milyon hanggang P4 milyon naman kapag severe.

The virus is mutating and becoming more deadly and potent. The vaccines that have been developed, distributed and injected into our bodies may not be effective after all.

Many experts are anticipating these mutations will come wave upon wave in poor communities like ours.

We are more vulnerable to the consequences of the crises dahil iilan lang ang elected and appointed government officials ang may malasakit at may tunay na galing sa pagharap sa krisis. Dagdagan pa ito ng kakarampot na suplay ng bakuna sa bansa.

Nasa ating sarili ang susi at kailangang mag develop tayo ng sariling safe bubble o sariling safe pattern upang makaiwas o maminimize ang exposure natin sa virus.

Kapag lumabas ng bahay gamit ang private vehicle o magko-commute kailangan protektado ang ating sarili. Kapag pumasok sa grocery store o supermarket upang bumili, bitbitin palagi at gamitin ang alcohol spray. Bilisan lamang sa loob at labas agad.

Huwag kaliktaan na mag-spray din ng kamay o mga bahagi ng katawan kahit nasa bus, jeep, uv express o tricycle.

Ipagbawal din muna ang pagbisita sa ibang bahay o pagtanggap ng mga bisita sa iyong bahay.

I-sanitize din ang mga gamit na pinamili habang nasa labas ng bahay. Maghubad ng sinuot at maghugas o maligo bago pumasok sa bahay. Ibabad ang pinaghubaran sa tubig na may sabon.

Bilang bahagi ng aking safe bubble, double masks ang suot ko at palaging nakasuot ang faceshield kapag nasa enclosed na lugar.

Ilan lang ito sa mga suggestions. Maaring gumawa para sa sarili mo at miyembro ng household. Create your own safe bubble that works for you and others.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]