Sa exclusive images at update na ibinahagi ni Dra. Celia Lamkin sa “Kabayani Talks”, isang digital public service show ng ABS-CBN The Filipino Channel, nito lang Sabado, makikita ang Chinese vessels sa Pag-asa 2 o Sandy Cay (puti), sa pagitan ng 12 noon at 3 pm.
Info ni Dra. Lamkin, founder at chairperson ng National Youth Movement for West Philippine Sea, may 10 Chinese vessels ang nakitang nasa paligid ng Sandy Cay.
So, nasaan na ang ipinangakong pagpapatrol sa West Philippine Sea?
Asa pa.
Natutulog na naman sa pansitan.
Fast rewind noong August 2020:
Naalala ko, may pa-“We are watchful” peg pa, si Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Philippine Navy Flag Officer in Command noong August, 2020.
Hanep, Big Word – Watchful.
Wala raw “claimant country” ang pwedeng magtayo ng mga bagong pasilidad sa Sandy Cay alinsunod sa 2002 Declaration of the Code of Conduct of Parties in the South China Sea.
Naispatan mismo ni Bacordo ang Chinese vessels nang pumunta siya sa Pag-asa Island nung binuksan ang beaching ramp, June 2020.
Ang Sandy Cay ang isa sa tatlong sandbars malapit sa Pag-asa Island na pasok sa Kalayaan Island Group o Spratly Islands.
Fast forward sa May 24, 2021:
So nito ngang May 24, nangako si National Task Force for the West Philippine Sea Chairperson Hermogenes Esperon, Jr., na magkakaroon ng regular na patrol sa area dahil mandato naman daw talaga nila ito.
E bakit ngayon lang tuloy-tuloy na iikutan yan kung kelan paubos na ang mga isda, patapos na ang termino ni Pangulong Duterte, at papalapit na eleksyon? Ehem. Umi-style.
Dinispatsa raw ang PCG vessels BRP Sindangan at BFAR MCS 3005 sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) at ang BRP Malapascua naman sa munisipyo ng Kalayaan.
Niyabang pa nga niya, bukod sa maritime patrol, ang Area Task Force West ay regular ding magko-conduct ng Joint Seaborne Patrol Operations (JSPO) sa paligid ng Pag-asa Islands kasama na ang Pag-asa 2 (Sandy Cay).
Naks! Pero how regular is regular?
Nitong Biyernes, May 28, nag-diplomatic protest ang DFA laban sa illegal presence at activities ng Chinese vessels sa paligid ng Pag-asa Islands. In fairness.
Kaya call out sa kamoteng Task Force for the West Philippine Sea:
Tinutulak nyong mamalakaya ulit ang ating mangingisda pero pagdating sa laot missing in action kayo. Grabi na ito!
Nakasuporta kayo pero tanong- gaano kalayo? Lol!
Spell kuda at pasikat.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]