MULA sa pagharang sa Philippines vessels (Ph Coast Guard, Navy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at mga mangingisda); hanggang pag-laser at dumadalas, tumitinding pag-water cannon; mula sa cheapetic na mga intriga at propaganda, hanggang sa hinihinalang pag-eespiya, titimbugin na raw ng China ang mga dayuhang ilegal na papasok sa kanilang borders simula sa June 15.
Ano’ng borders ang nginangawa ng China? Yung guni-guni nilang 9-dash-line na halos buong South China Sea ay sakop nila? Sabaw lang talaga noh.
Eto nga at hindi pa nakontento, inextend pa at ginawang 10-dash-line na sumasakop sa karagataan ng Taiwan. Mukhang ewan talaga ang China.
Ibinalita ng South China Morning Post, na sa bagong regulasyon, ang trespassers ay ikukulong ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis.
Illegal detention yarn!
Lumabas ang pasabog na ito nitong May 16, sabay ng pagdating ng advanced party ng Atin Ito Coalition Second Civilian Mission, 25 to 30 nautical miles sa Panatag (Bajo de Masinloc / Scarborough) Shoal.
Ayon sa report, ito ang unang pagkakataon naglabas ang China ng detalyadong regulasyon na kinaklaro ang pamamaraan ng China Coast Guard sa pagpapatupad ng batas kasama tulad ng pagpapakulong sa mga indibiduwal.
Ang pinagbasehan ng 92-page na bagong regulasyong ito: ang ipinasang panukalang batas ng National People’s Congress of the People’s Republic of China (NPC-PRC) noong January 22, 2021 – ang Maritime Police Law.
Nag-take effect ito February 1, 2021. Kumbaga sa atin, ang bagong regulasyon na ipatutupad naman sa June 15 ay Implementing Rules and Regulations (IRR) ng China Maritime Police Law.
Binibigyan nito ng kapangyarihan ang China Coast Guard na gumamit ng pwersa laban sa foreign vessels para igiit ang inaangkin nitong 9-dash-line.
Paniwala ng mga eksperto, ang Maritime Police Law ay batbat ng mga butas at kwestyunableng mga probisyon na lumalabag sa international laws.
Ayon kay Ting-Hui Lin, Deputy Secretary General ng Taiwanese Society of International Law, pinapayagan ng batas na ito ang China Coast Guard na gumamit ng iba-ibang klase ng armas kasama ang hand-held, shipborne at airbone laban sa foreign vessels sa pinag-aagawang parte karagatan.
Babala ni Retired Admiral Takashi Saito, Chairman ng Maritime Security Study Group ng Nakasone Peace Research Institute, hindi dapat hayaan ang Chinese domination sa buong East and South China Seas.
Sa pagsusuri ni Saito, may mga artikulo o probisyon, tulad ng Article 21 ng Maritime Police Law, na binabangga ang international law and practice:
“Coast Guard organizations have the right to take necessary warning and control measures to stop foreign military ships and foreign government ships used for non-commercial purposes that violate my country’s laws and regulations in the waters under my country’s jurisdiction, and order them to leave immediately relevant sea areas; for those who refuse to leave and cause serious harm or threats, the maritime police agency has the right to take measures such as forced eviction and forced towing.”
Nakakatawa ka China, ano yan, bahay-bahayan ni Kuya ng Pinoy Big Brother na nang-forced eviction ng housemates? Maging og at creative ka naman. Bakit hindi mo sinampolan ang US guided-missile destroyer, USS Halsey (DDG-97) nang dumaan sa Paracel Island sa South China Sea bilang Freedom of Navigation Operation, nitong May 10 gamit ang probisyon na yan?
Sabagay, sa maliliit na mangingisda nga ng Masinloc, Zambales hindi ka inaatrasan sa water cannoning mo o pagharang at pagbuntot sa jologs nilang fishing vessels. Tumatayming ka lang ba o naghihintay ng utos.
Paniwala naman ni Prof. Seokwoo Lee ng Inha University Law School sa Incheon, South Korea, patitindihin ng Maritime Police Law ang bakbakan sa sovereign rights at jurisdiction ng coastal states tulad ng Pilipinas, South Korea, Vietnam, Taiwan at iba pa.
Pinu-push ni Lee na kailangan ibalandra ang violations ng China sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) Articles 74 (#) at 83 (3) sa paggamit ng law enforcement sa parte ng Northeast Asia, South China Sea o East China Seas.
Anyways, common sense naman na hindi pwedeng mag-aresto ang China o kahit anupamang bansa ng kahit sino, sa mga teritoryong legal na pagmamay-ari ng bawat bansa; bawal ding manghuli sa international waters na daluyan ng komersyo at malayang daanan ng mga naglalayag na barko tulad ng South China Sea.
Dahil sa 2016 arbitral tribunal decision na pabor sa Pilipinas, pinagtibay pa nito ang itinalagang Exclusive Economic Zone – na ang maritime at archipelagic countries ay may sovereign rights (hindi sovereignty) to “explore, exploit, conserve and manage natural resources” ng seabed, subsoil at tubig sa ibabaw ng mga ito.
May jurisdiction o saklaw ang mga bansa sa ilalim ng EEZ, sa pagtatayo ng artificial islands, installations at structures; marine scientific research; at protection at preservation ng marine environment. So saan magsasampol ng panghuhuli ang China? Sino huhulihin nila?
Eksplosibo ang China Maritime Police Law.
Saan ka nakakita, domestic law na sinasaklawan ang international waters na hindi naman kanya.
Head on collision ito sa international laws gaya ng UNCLOS na patuloy na binabastos ng China.
Sinelyuhan nito ang anumang oportunidad para maresolba ang awayan batay sa rules-based order.
Ginagawang legit ang galawan ng China Coast Guard sa South China Sea kasama na ang West Philippine Sea.
Magiging mitsa ito ng mas ibayong bakbakan ng claimant countries sa maraming features sa South China Sea.