Bye bye world

Ano’ng common denominator ng mga taong ito:

Vitaliano Aguirre, Senator Ronald de la Rosa, Senator Bong Go, Supt. Edilberto Leonardo, Supt. Royima Garma, Rep Pantaleon Alvarez, Sec Ismael Sueno, Sanson “Sonny” Buenaventura, Dante Gierran, Sec Jose Calida, Senator Richard Gordon, Allan Peter Cayetano at RODRIGO ROA DUTERTE?

Surot? Este Sirit? LOL!

NVM.

Lahat sila sa pangunguna ni Duterte ay sasalang sa full investigation para sa crimes against humanity sa oras na aprubahan ng Pre-Trial Chamber o PTC ang request for authorization ni Prosecutor Fatou Bensouda.

ICYMI, noong June 14, kasama ang National Union of People’s Lawyers (NUPL), sumulat ulit ang mga naiwang pamilya ng mga biktima ng operation tokhang kay Prosec Bensouda.

Minadali nila si Prosec Bensouda na tuluyan nang imbestigahan sina Duterte at arestuhin habang tina-trial dahil last day niya sa trabaho noong a-kinse.

Sa inilabas niyang dokumento noon ding June 14, 2021, naniniwala si Bensouda na may basehan ang mga pamamaslang ng Duterte Gang sa Operation Tokhang mula July 1, 2016 hanggang March 16, 2019 batay sa preliminary investigation na ginawa nila mula February, 2018.

Sa datos ng #RealNumbersPH ng pamahalaan as of April 2021, umabot sa 6,069 ang drug war killings mula July 1, 2016 hanggang February 28, 2021.

Sa estima ng human rights groups, aabot sa 27K ang mga biktima kasama ang mga inosente at menor de edad. SMH.

Sasaklawin ng imbestigasyon ang pamamaslang, pag-torture at iba pang hindi makataong gawa ng gobyernong Duterte sa war on drugs mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.

Take note, pati ang tokhang operations sa Davao ay isinama na rin.

RN, malakas at matibay ang mga kaso laban sa Duterte gang. Kumbaga sa law, prima facie.

Bukod sa mga dumagdag na mga ebidensya at testigo, naniguro si Prosec Bensouda – may mga dating DDS hitman ang nagpatotoo ng deadly war on drugs ni Duterte na hawak ngayon ng ICC Office of the Prosecution at nakuhanan na ng testimonya.

BTW, may apat na buwan para magdesisyon ang Pre-Trial Chamber o PTC na tapusin ang buong imbestigasyon. Pag nagkataon, magsasagawa ng trials ang ICC bago mag-December.

IMO, bago matapos ang taon, maaaring maglabas ng arrest warrant ang ICC laban kina Duterte.

For sure, kinakabog na sila at nakalatag na ang kanilang escape plans.

So ano ang common denominator ng mga myembro ng Duterte Gang?

Bye bye world na silang lahat sa nalalapit na hinaharap.