BLACKPINK may pasabog sa 5th anniversary

WALANG pagsidlan ng galak ang mga BLINKS matapos ianunsyo ng kanilang mga idolong BLACKPINK ang plano nila para sa kanilang ika-5 anibersaryo.

Ayon sa YG Entertainment, may ilalabas na proyekto ang BLACKPINK para sa pagdiriwang ng kanilang anniversary.

Sa mga social media post ng kanilang management, tila nagpatikim ng kanilang surprise ang grupo na binubuo nina Rose, Lisa, Jisooo at Jennie.

Unang sumikat ang grupo noong 2016 dahil sa kanilang album na pinamagatang “Square One”, kung saan kabilang ang kanilang mga sikat na kanta tulad ng “Whistle” at “Boombayah”.

Last week, umabot na sa mahigit 1.2 bilyon ang views na nakuha ng kanilang video na “Boombayah” sa YouTube.