‘Bomba group’ sa Kamara lutang na, tunganga pa

ALAM na ng liderato ng Kamara ang gawain ng tinaguriang “Bomba Group”.

Ito yung grupo ng mga mambabatas na may kakaibang bisyo sa katawan.

Sinabi ng aking spotter na “it’s just a matter of time” at aaksiyunan na nila ang nasabing kontrobersiya.

Nauna ko nang ipinanukala sa column na ito na kung gusto talaga ng pamahalaan na linisin sa illegal drugs ang gobyerno ay dapat na magsimula ito sa sariling bakuran.

Ang executive branch ay may paminsan-minsang surprise drug test sa mga ahensyang nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

Sana ay ganito rin ang gawin ng house leadership sa kanilang mga miyembro at empleyado.

Sinabi ng aking spotter na isang party list congressman ang supplier ng grupo.

Kasama sa grupong ito ang ilang mga mambabatas na miyembro ng tunganga brigade.

Sila yung mga mambabatas na puro porma lang pero nagkakalat sa plenaryo na malamang ang dahilan ay dahil lutang ang kanilang isipan o sadyang lusaw na ang kanilang brain cells.

Habang wala pang ginagawang aksyon ang liderato ng Kamara, tayo na rin mismo na mga constituents nila ang mag-obserba sa kanilang mga asal at antas ng pag-iisip.

Sabi nga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte…..”My God….I hate drugs”.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]