NITONG Sunday, January 28, sa kickoff rally na ginawa sa Quirino Grandstand sa Maynila, ni-launch ni Marcos Jr. ang “Bagong Pilipinas” na brand daw ng governance ng kanyang administration.
Pagmamalaki ni Marcos Jr., ang “Bagong Pilipinas” ay master plan para sa genuine development na makikinabang ang lahat ng tao at hindi political game plan para sa iilang mayayaman. Defensive.
Mapapansin na ang “Bagong Pilipinas” ay idinikit talaga sa “Bagong Lipunan” peg ng pumanaw na tatay na diktador, panahon ng martial law.
Ano ang bago sa “Bagong Pilipinas”?
Sampolan natin ang ilan sa mga sinabi ni Marcos Jr.:
Sa kanyang speech, tinukoy ni Marcos ang balakid sa pag-unlad – ang kawalang tiwala sa sarili, “sa ating mga institusyon.. uso pa rin ang palakasan, talamak ang palusot, gustong makalamang, ayaw lumaban ng patas.”
“Paano natin ibabalik ang tiwala nila sa gobyerno… ?”
“I believe that to win that trust, the government must show in deeds, not in words, that it is deserving of that trust. Government must lead by example, not by empty exhortation…”
Agree, pero mismong si Marcos ay hindi umaamin na diktador ang pumanaw na tatay at dating presidente. Talk of leading by example.
Tapos, imbes isoli ang nakaw na yaman, hinarangan pa ito ng mga motion sa korte. Talk of the belief to win the trust.
Meron daw development plan para “sama-sama tayong bumangon muli.”
Ang mga nagdaang administrasyon naman ay may development plans.
Pero dyan daw “hinango ang Bagong Pilipinas, ang brand ng governance.”
Mahigpit na tagubilin ni Marcos Jr sa mga kawani ng gobyerno:
Una, “bawal ang tamad at makupad sa pamahalaan.”
“In whatever government office, red tape must be replaced with red carpet.” Di nga.
“Complex requirements in the processing time must be reduced.”
Totoo naman talaga yan, although hindi lahat ng government employees ay tamad at makupad.
Kaya gusto ko ang tagubilin one na ang red tape ay palitan ng red carpet.
Pero luma na yan at nangyayari pa rin hanggang ngayon.
Dati nang nag-effort na putulin ang red tape na nagbubunsod ng corruption.
Sinubukang palakasin ito ng pwersa ng kautusan o batas kaya nung 2007, ipinasa ang Republic Act (RA) 9485 o Anti-Red Tape Act (ARTA).
ARTA ang unang batas para solusyunan ang katiwalian.
Unang batas ito para pakontiin ang maraming requirements na papeles at paiikliin ang matagal na proseso ng pagkuha ng dokumento.
Dati kasi, aabot ng 48 days ang processing at ginawang 5 to 10 days na lang ito, at ang pipirma ay hanggang lima lang sa ARTA.
Umepekto ba ito?
Sa Ease of Doing Business study ng World Bank, kung noong 2007 pang-126 sa 175 bansa ang rank ng Pilipinas, umakyat ito sa 95 nung 2019.
Pero gumapang tayo ng mahigit isang dekada bago nag-improve at ang improvement na rank 95 ay napakalayo pa ring improvement: matagal at mahirap pa rin ang paglalakad ng requirements.
Sampol:
Pinaka-recent nyan na less than two years ago, inabot ng siyam siyam ang pamangkin ko makakuha ng business permit dahil hinihingan sila ng lagay sa city hall.
Sa bwiset nila, at dahil ayaw nilang maglagay, at ayaw din nilang isumbong sa takot na matandaan at mabalikan sila- HINDI na nila itinuloy ang negosyo.
Pangalawang tagubilin:
bawal ang mga hindi tapat at nangungulimbat.
Ang mga taong paglalaanan sana ng pondong naglaho ay nananakawan.
Look who’s talking.
Buhay na sampol pa rin ang sale ng Malampaya gas-to-power project nina Marcos Jr sa kanyang crony, Enrique Razon
Si Razon at ang company nyang Prime Infra ang pinayagang bumili ng 45% Shell shares sa Malampaya na dapat ay binili na lang ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-aari nating Philippine National Oil Company (PNOC) na hawak ang 10% shares ng Malampaya.
Panahon ni Duterte, ibinenta nila ni ex-energy sec Alfonso Cusi ang Petron shares na 45 percent, sa crony na si Dennis Uy at kanyang Udenna company.
Pero tulad ni Uy, si Razon at kanyang Prime Infra ay walang technical at technological expertise sa oil exploration, production at development.
Labag yan sa batas o Presidential Decree 87 o Oil Exploration Act of 1972 na ginawa rin mismo ng tatay na si Marcos Sr.
Ayon sa dating DENR Usec at president at CEO ng Philippine National Oil Company (PNOC) na si Ed Mañalac, ang Prime Infra at Udenna ay kumikita ng tig-P50 million kada araw bawat isa o total of P100 million!
Ang dapat sana na income para taumbayan kung sa PNOC ibinenta ang Shell at Petron, walang kapagod-pagod na kita tuloy ito ngayon nina cronies Razon at Uy.
Naniniwala ba kayong walang kinita sina Marcos at Lotilla sa deal na yan.
In the same way na walang kinita sina Duterte at Cusi?
Ang malala, inextend pa ni Marcos Jr ang service contract ng dalawang cronies ng 15 more years!
Sinundan lang nila ang ginawa ni ex-president Duterte at ex-energy sec Alfonso Cusi na ibinenta naman ang 45 percent Petron shares sa crony na si Dennis Uy ng Udenna.
May bago ba?
Sorry, wala pa rin.
Pareho lang ni Marcos Jr ang kinasusuklaman niyang si Digong na nagbayad utang sa campaign supporters at donors.
Mula noon hanggang ngayon may cronies pa rin.
Sa kanyang “Bagong Pilipinas” speech, nagbabala pa si Marcos Jr.: “Sa Bagong Pilipinas, bawal ang waldas!:
Sa nakuhang dokumento ng Rappler, gumastos ang Presidential Communications Office ng tumataginting na P16.4 million sa “Bagong Pilipinas” rally.
So hindi waldas yarn?
Pangatlo, bawal ang mapang-api at naghahari-harian.”
Hinikayat ni Marcos Jr. ang mga barangay at sanggunian kabataan officials, “maging modelo kayo ng isang tunay at mabuting mamamayan, may takot sa Diyos, may hiya sa kapuwa at nangangalaga ng kapaligiran at kalikasan.”
Big words.
Pagdating sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan, inireport ng IBON Research nitong December 9, 2023:
Pinapayagan pa rin ng kasalukuyang administrasyon ang mga proyektong nakasisira ng kapaligiran.
Pinaka-nangungunang banta sa kalikasan dito ang 187 big coastal reclamation projects at big corporate mining nang aprubahan niya ang 35 exploration permits sa mga unang buwan nya sa Malacañan.
Tapos may kapal pa ng mukha na maghabilin sa barangay at SK officials na “maging modelo kayo ng isang tunay at mabuting mamamayan, may takot sa Diyos, may hiya sa kapuwa at nangangalaga ng kapaligiran at kalikasan.”
Di bale nang walang hiya sa kapuwa dahil dati namang walanghiya sa kapuwa sila nina Duterte, Aŕroyo, etc., pero ang paalalang magkaron ng takot sa Diyos?
Haay gaba ka talaga nyan.
Naglalagablab na ang kaluluwa nyan 6sa apoy for using God’s name in vain.
Sigurado, naghuhuramentado na nyan si Satanas sa galit at takot na pati siya maagawan ng pwesto sa impyerno.
Mga damunyo talaga kau agidaw.