Hay naku Pilipino…
Kahapon ay nakita natin ang sobrang kaguluhan sa mga ilang city sa NCR.
Ito ay bunga nang sobrang dami ng taong pumila sa mga vaccine centers para magpaturok ng bakuna.
Truly, nagulat po tayo. Kasi dati naman ay tikatik ang daloy ng mga taong nagpapabakuna, so why, biglang buhos sila.
Noong nagtanong ako sa mga friendship natin sa Las Piñas, Antipolo, at iba pang areas na nagkagulo sa bakunahan, aba nabigla tayo sa dahilan.
Kaya pala sumugod ang mga gusto ng vaccine ay hindi dahil ayaw nila magka-Covid.
Kailangan nila magpabakuna dahil sa “no vaccine, no ayuda” policy ng ilang local government units.
Yes, my dear Pipay, ‘datung’ ang reason kaya nagkandarapa sumugod sa vaccine centers ang mga citizens of this nation.
Kasi, dahil may ECQ, sabi ng Malakanyang kailangan magbigay ng ayuda. So naglaan sila ng P10 million para rito.
May mga mayor naman na ginamit ang pagkakataon na ito para maipilit ang bakuna sa mga residents nila.
Sa isip nila, OK na idea yung vaccine before ayuda. Ang problema, hindi sila nagplano, basta anunsiyo na lang.
Eh di kagulo mga tao sa vaccine centers dahil lahat sila gusto magka-ayuda.
As usual, hindi na naman nilagyan ng plano o sistema yung vaccine centers. Walang anticipation na dadagsain ito ng mga tao.
In short, yung mga LGU bumanat na naman ng “isip lalim, tira babaw.”
Galing idea, pero walang execution plan. Sounds familiar?
So ngayon, meron tayong mga apat na superspreader events bago ang ECQ.
Siyempre ang aasahan natin diyan, after two weeks pa malalaman ang resulta ng superspreader events na ito.
Eh ngayon na magsisimula ang ECQ for two weeks sa Metro Manila. So, after two weeks lalabas ang numbers ng superspreader events and VOILA! pihadong extended and ECQ dahil sumirit ang numbers ng nahawa ng COVID-19 sa Metro Manila.
Isang bagay na hindi na naman ma-consider sa discussion in two weeks time pero ang babanatan ng sisi ay ang national government.
Pero sa totoo lang, tayo talaga ang dahilan kaya paulit-ulit ang lockdown.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]