NGAYONG Pasko dumating ang pambihirang pagkakataon na ako naman ang mas maraming ibibigay kaysa tatanggapin.
Pambihirang pagkakataon hindi dahil sinuwerteng manalo sa lotto (hindi po ako tumataya at hindi na naniniwala sa suwerte), tumanggap ng promosyon, kumita ng malaki, nagkabonus. Wala. Wala sa mga iyan ang dahilan.
Parehas pa rin ng dati kong tinatanggap kada buwan except that may kaunting naipong suweldo mula sa kabayaran ng apat na documentary scripts na tinapos ko para sa isang TV network mula Hulyo hanggang Oktubre. (Nagpaalam na muna uli ako at nangakong babalik sakaling kaya ng masalansan nang maige ang aking swamped schedule.}
Maliit lamang ang aking tinanggap para sa apat na documentary scripts. Nailagay ko iyon ng tama sa pamamagitan ng pagpapagawa ng garahe at kumpuni sa aming lumang CR at makeshift na kusina.
So saan nanggaling ang ekstra na luwag sa aking badyet? Alam ng publiko na I will never dip my fingers on even the tiniest amount of bribe. For sure kung kumapal ang aking pitaka it is because of other factors.
Una, may maayos nang trabaho ang anak kong abugado. At may disente rin namang suweldo. At dahil diyan, siya na ang umako sa dating amortization at monthly bills na binabayaran ko. Natapos na rin ang siyam na taon na kalbaryo sa pagpapaaral. Graduate na ako sa tuition fee ng mga anak. Malaking kaluwagan na wala nang humihingi ng pang-tuition at school allowance.
Napakahabang panahon ang pagpupunyagi at pagsisikap to make ends meet. Mula 1998 (Manila Times stint) ay nagdesisyon na akong mag freelance at iwanan ang regular employment. Mahirap maging freelancer dahil kung walang assignment o project, walang output. No output means no salary. As such, I never considered myself a qualified donor. I was more often than not, a recipient. Lucky for me na may mabubuting loob na mga kaibigan na during pandemic ay pinadalhan pa ako ng pera para sa aking health and vitamins needs. (Alu Merillo, ikaw ito!)
Ngayong bumuti na kahit paano ang aking financial landscape, tinatamasa ko ang napakagaang na pakiramdam na ako naman ang nagbabahagi. Kakaiba, ibang kaligayahan sa puso ang nadarama sa mga ganitong senaryo.
Maraming maliliit na tulong na naihatag na, subalit ang talagang nagbigay sigla sa aking puso ay ang tulong sa isang istranghero na biktima ng krimen (hit and run) at walang sumasaklolo sa kanya sa ospital. Yung pambili ko sana ng aking pang-aura ay walang patumpik-tumpik na nahugot ko mula sa aking bulsa. Imbes na manghinayang sa blue bills, masaya ako na makitang lumiwanag ang mukha ng kaawa-awang istranghero at nakapagbigay ng konting pag-asa.
Kahit sa limitadong resources, hindi balakid ang maging pilantropo. O baka masyadong “big word” ang pilantropo at angkop lamang sa mga bilyonaryong gaya ni Ang, Sy, Tan etsetera. Hindi balakid ang maging middle class, o kahit low class para maging mabuti ang puso sa kapwa.
All around us are millions of poor people who do not know where to get their next meal. Or where to find shelter by nighttime. Magmasid lamang sa paligid, tumingin sa mga matang may bahid ng takot at pangamba- kahit hindi pulubi ang panlabas na anyo, maaaring ang nakikita mo ay isang nilalang na naghihintay maisalba sa pang-araw araw na siphayo.
Give as good as you get in life. Tested formula na kapag mabuti ka at hindi madamot sa kapwa, aapaw lagi ang biyaya.