AiAi susuportahan live selling ng ina ni Carlos Yulo

SA gusot sa pagitan ni Olympic gold medalist Carlos Yulo at sa kanyang pamilya, maliwanag kung saan kampi ang komedyanang si AiAi delas Alas.

Sa Facebook, ipinost ni AiAi ang larawan ng mag-inang Angelica at Edriel Yulo at nilakipan ng caption na nagtatanong kung kailan uli magla-live selling ang dalawa.

“Nakita ko sila may nag send saken sa messenger … kelan kaya ulit live selling nila ?..bibili ako .. support ko live selling nila … #teamnanay#madamingmadami#letsgomudrakels#labansabuhay,” ani AiAi.

Bago ito, bumoses ang komedyana ukol sa pag-ayaw ng pamilya ni Yulo sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

“May kasabihan nga pagibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang .. pero mas naniniwala ako sa kasabihan (pag dating to sa pagibig ahhh) Mother knows Best … at sinasbi ko din yan sa mga anak ko pag dating sa pagibig kasi na experienced ko na hindi sumunod sa nanay ko pag dating sa usaping lovelife… ayun flop lahat,” sey ni AiAi.