IT is a breath of fresh air to learn that the Energy Regulatory Commission, under ERC Chairperson Monalisa C. Dimalanta, seems to be more consumer-friendly and pushes for more transparent power policies in what used to be an agency that makes consumer groups feel unwelcome.
Dating mainit sa consumer groups ang naturang ahensiya. In fact, makailang ulit na pinahihirapan ng ahensiya ang mga konsyumers na nais maghain ng consumer complaint. Matagal na palaisipan sa mga konsyumers kung ang ERC ba ay sumusuporta sa interes ng konsyumers at hindi ng interes ng power utility companies.
Ang mga naging karanasan ko sa ahensiya bilang consumer advocate at awtorisadong representante ng Matuwid na Singil Sa Kuryente (MSK) ang patunay na dati ay hindi lang basta nagpapatupad ng mga polisiyang anti-consumer ang naturang ahensiya, tutol din ito sa mga hakbang ng mga kritiko nito na makapaghain man lang o humakbang at maipasok ang mga paa sa kanyang “regulatory door” para maipaglaban ang nararapat. kapita-pitagan na konsiderasyon ng tinatawag na due process.
Dati, sa records section pa lamang ng naturang regulatory office ay hinaharang na ang aking grupo upang kumbinsihing huwag maghain ng reklamo. May isang pagkakataon pang pinagbayad ang MSK ng P36,000 as docket fee kahit na malinaw na ito ay consumer complaint na hindi dapat singilin ng naturang fee. Ilang beses akong nakipagdiskusyon sa mga opisyal ng naturang ahensiya, to the point na minsan ay naibulalas ko pang trabaho nila dapat ang bigyang-proteksyon ang consumers ngunit kami sa advocacy ang mistulang gumagampan ng kanilang trabaho.
Sa records section makailang beses ko ring naigiit na ministerial duty ang pagtanggap sa aming reklamo.
Ilang reams ng coupon bond din siguro ang naubos ko sa pagsulat ng mga kaso, position papers at letter request sa naturang ahensiya. Umabot pa as copy furnished sa Malacanang ang maraming sulat ng aking grupo.
Yung lima hanggang 15 minutong regular na proseso ng paghahain ng reklamo ng konsyumer ay inaabot ng buong araw kapag MSK ang nagpa-file. Mahaba at mabagal na deliberasyon at tila nag-aantay pa ng “clearance sa kanilang mga amo” (mga kakutsabang vested interest groups, I surmised) bago tanggapin ang aming petisyon.
Tatlong set ng komisyoners ang nakatunggali ng MSK. Mula 2016 sa ilalim ni Chairperson JV Salazar hanggang kay Chairperson Agnes Devanadera na nakasagutan ko pa sa isang TV interview sa ANC. In fairness, naging daan ang mga balitaktakan namin upang maaring kahit paaano ay nagkaroon ng mga reporma sa naturang ahensiya.
Nagkaroon din ng mas maraming refund incidents, bagamat pinapanindigan kong hindi pa rin sapat ang mga ibinalik sa konsyumer at mas malaki pa rin ang overrecovery ng distribution utility at power generation company.
Kaya ko nasabing breath of fresh air na may pagtatangkang balansehin ng ahensiya sa ngayon ang kanyang mga kilos dahil noon ay garapalan ang panlalamang sa mga konsyumer. Dahilan upang may ilang komisyoner noon na nasuspinde sa posisyon.
Sa isinusulong ng ERC na mas bukas na pangongolekta ng pass-through charges umpisa ngayong taon, tila magandang simulain ito hindi lang sa regulatory agency kundi higit lalo sa mga konsyumer.
Ang “pass-through costs or charges” ay halagang kinokolekta ng distribution utilities (DUs) bukod sa distribution charges at kabayaran sa paggamit ng pasilidad ng mga DUs. Kinokolekta ng DUs ang mga singil na ito mula sa mga electric consumers at nire-remit ang halagang ito sa generation companies o gencos, I, e. power producers). Ilan sa mga pass-through charges ay buwis, Feed-in Tariff Allowance o FIT-All, universal charges (UC) na ire-remit naman ng gencos sa gobyerno. Bahagi ng Universal Charges ang kinukuha upang bigyan ng subsidy ang electric coops. By its nature, sa pass through charges ay bawal na kumita o malugi ang mga DUs. Ang ERC ang nag-aapruba ng pass-through charges.
Isa pa sa ganansiya ng bagong polisiya ng ERC sa pamamagitan ng Resolution No. 14 na inilabas sa huling buwan ng 2022 ay ang paglikha ng Restricted Fund.
Ayon sa resolution, ang restricted fund by the DUS ay makakatulong sa pangangasiwa ng mga sobrang singil o overcollections at ito ay istriktong ilalaan upang mabayaran ang mga konsyumers at mai-apply ito sa susunod nilang mga billings. Ibig sabihin ay mas kagyat o timely ang refunds na gagawin at hindi aabutin ng napakahabang panahon.
Ang mga inisyatibang ito ng bagong pamunuan ng ERC ay katanggap-tanggap. Maging makatotohanan sana ang mga ito dahil patuloy na nagbabantay ang mga konsyumers na for the past several years ay overburdened at labis-labis ng deprived sa karapatan.