4-way royal rumble sa 2022 elections

MADAMI ang nagtatanong sa akin kung tutuloy si Digong na tatakbong Vice President. Para namang napakagaling ko na “analyst” para matukoy ito ng tama.

Pero dahil pati sila Isko, Pacman at Ping ay itinanong ninyo na sa akin, susubukan ko itong sagutin sa logical na pamamaraan.

Yes, tatakbong Vice President si Digong kung hindi titigilan ng mga disente ang nakagawian nilang politics of persecution. Ano yun? Ito yung style ng mga Dilawan na kumuha ng panalo sa eleksiyon sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila lang ang malinis at babahiran ng putik ang mga kalaban nila.

Think Marcos, Mitra, Binay, Villar at ngayon ay si Digong.

Ang masakit sa strategy ng mga disente, hindi na naniniwala ang madla sa kanila. At kahit papaano nila paikutin ang resulta ng 2019 local elections, ang totoo, ibinasura na sila ng tao.

Tatakbo si Digong sa 2022 para ipamukha sa mga disente na hindi na uubra ang style nilang bulok. Of course kasama na rito yung banta na ipakukulong si Digong ng mananalo sa 2022. May nadinig na ba kayo na nagsabing gagawin ito pag sila ang nagtagumpay next year? Wala, ‘di ba?

Ang problema ni Digong, wala siyang presidente.

So Presidente! Si Isko? Ok na sana si Isko, pwedeng pwede na sana kung kumuha muna siya ng konti pang experience. Kasi nga, pati sa pagpili ng Vice President ay nagmamadali siya.

Si Doc Willie Ong ay maayos sana na kandidato, pero sa Senado. As VP? Medyo hilaw at reflected yan sa mga QSS (Quick Sentiment Scan) analysis ng social media.

Si Pacman ay mahihirapan bilang pangulo. Nasa buntot siya ni Sara at Isko sa lahat ng survey. Isama mo pa na malamang wala siyang partido pag minalas siya at semplang talaga sila. Pero senador tiyak pasok si Pacman.

Si Ping sana ang pag-asa ng bayan kung hindi siya nagsimula sa kampanya na parang echo ni Gordon. Yung pag sakay niya sa talak ni Gordon ay mas nakasakit sa kanya kaysa ano pang issue na gagamitin niya dahil lumalabas na si Gordon ay isang demolition job kontra kay Digong.

Huwag na ninyo itanong si Sara Duterte, dahil tulad ng ama, malalaman lang natin ang intensiyon ng Mayor ng Davao, pag ginawa na niya ito.

Walang malalim sa mga sinabi ko dahil madali na ito makita sa mga QSS tools ng social media.

At sa mga QSS na ito, wag lang piliin ang datos, sasabihin sa atin nito ang totoong sentiment ng tao.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]