MAY konting positive developments para sa movie workers kasama ang mga journalist.
Una, ipinasa ang Senate Bill 2505 o mas popular sa tawag na “Eddie Garcia Bill” nito lang February 19 na panukala ni Bong Revilla.
Hugot ito sa pagkamatay ng multi-awarded actor na si Eddie Garcia noong June 20, 2019 habang naka-comatose.
Dumanas si Garcia ng severe cervical fracture o bali sa leeg matapos maaksidente sa taping ng GMA show na “Rosang Agimat”.
Sa botong 22-0-0, aprubado sa third and final reading ang panukala na nagbibigay ng proteksyon sa movie at tv workers na kadalasan na ayon naman kay Senador Jinggoy Estrada na isa ring artista, ay hindi maayos ang pagtrato at problemado ang kalagayan sa trabaho.
Itinatakda ng panukala ang pagpapatupad ng oras ng trabaho, sahod at iba pang benepisyo tulad ng social security, insurance coverage at obligasyon na magbigay ng kontrata.
Para tiyakin ang implementation nito, itatayo ang Movie and TV Industry Tripartite Council na may reps mula sa gobyerno, employers at film / tv workers.
Bagaman basic ang mga yan sa Labor Code, mas binigyang importansya ng panukala ang protection at good working conditions na nag-a-apply sa movie/media industry na peligroso ang trabaho.
Sa pinakahuling Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ) at ika-16th year, consistent ang Pilipinas sa hanay ng mga bansang maraming journalist na namamatay pero hindi naparurusahan ang mga salarin. Pang-walo ang Pilipinas as of November 2023.
Naalala ko tuloy nang sumubok ako kumuha ng insurance, hindi ako aprubado – hindi raw sila nagbibigay ng insurance sa journalists dahil high risks daw kami.
Anyways, tama rin naman na merong contract pero dapat hindi forever contractual o “talent”.
Ito’y dahil labag yan sa regularization law.
Pinatunayan na yan ng mga panalong kaso ng mga “talent” o contractual media worker vs ABS-CBN, GMA7 at iba pang broadcast networks na pinaboran ang dapat na regular status ng mga manggagawa pero hindi ginawa.
Pangalawang positive news.
Nitong February 9, nag-file si Jinggoy Estrada ng Senate Bill 2521 na tanggalin na ang criminal aspect ng libel law na may parusang kulong.
Noon pang 14th Congress o 2007, pinupush na ni Jinggoy ang decriminalization ng libel sa kanyang panukala.
Noon namang December 13, 2022, nag-file din ng panukala para sa decriminalization ng libel si Sen. Risa Hontiveros.
Maaaring may iba pang nag-file ng kaparehong panukala.
Ipinatutupad ang libel law mula pa noong 1932.
Matagal nang panawagan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang decriminization of libel na pagmultahin imbes ikulong ang sinuman pag napatunayang nagkasala.
Bandang 2006, nagpalakad kami ng petition-signing para i-decriminalize ang libel.
May 800 plus journalists at media workers sa buong bansa ang pumirma sa petisyon.
Ang campaign ay bunsod ng demandang libel ng asawa ni Gloria Arroyo na si Mike sa 46 journalists, publishers, editors, columnists at pati subscription at circulation managers na wala namang involvement sa mga balita ay dinawit. Kainis di ba?
Tumanggap din ako ng babala na idedemanda ni Mike Arroyo ng libel nung nasa primetime newscast ako ng ABC5 (TV5 ngayon).
Hindi ito itinuloy at tingin namin dyan ay dahil sa lahat ng pagkakataon na may banat sa kanya, kinukuha namin ang kanyang side sa issue. Although ganun din ang ginawa ng marami o lahat ng dinemanda.
Umabot sa P140 million ang kabuuang halaga ng damages na hiningi ni Mike A.vs journalists.
Sa ngayon, si Mike Arroyo ang record-holder bilang powerful person na may pinakamaraming demanda laban sa journalists sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang pattern na yan ay classic case at resibong nagpapatunay sa pagsusuri ng NUJP at ng iba pang media groups, news organizations at individuals at champions ng press freedom, na ginagamit ng mga makapangyarihang tao ang libel law para patahimikin ang media.
Pero after a while, may sumulpot na bagong problema, imbes i-decriminalize, lalo pang nilubog ang media ng cybercrime law na siningitan ng cyber libel.
Inamin ni Tito Sotto na siya ang nag-propose o cyber libel sa RA 10175 o Cybercrime PreventionAct.
Dinoble sa cyber libel provision ang parusa sa nagkasala – mula apat ay ginawang walong taon ang kulong at dinagdagan din ang babayarang danyos mula P40K hanggang P1.5M na sobrang laki talaga.
2017, sa RA 10951, tinaasan din ang penalties sa Revised Penal Code at kasama rito ang traditional libel.
Sa kabila ng dalawang positive developments na ito, ang aprubadong “Eddie Garcia Bill” at ang Estrada bill para gawing civil case ang libel, ay parehong nasa Senate level pa lang.
Para maging batas, kailangan may katumbas na version sa lower house, consolidated at pumasa sa bicameral conference, hanggang aprubahan ng presidente ng Pilipinas.
Ibig sabihin, maraming trabaho at matinding paghimok o lobbying pa ang dapat gawin ng apektadong sektor para tuluyang umabante hanggang maipasa ang media bills na ito sa Senate.
Para sa amin sa media, malaking bagay na suportahan ito ng madlang pipol na news media ang madalas lapitan pag sila ay may mga problema o expose, bukod sa social media na napapansin na rin ng gobyerno
Sa ngayon ang mapanghahawakang measure ng mga journo laban sa cyberlibel is yung Supreme Court Administrative Circular 08-2008 o yung Guidelines in the Observance of a Rule of Preference in the Imposition of Penalties in Libel Cases.
Nung October 17, 2023 nagpahayag ang Supreme Court na para sa online libel, ang mga korte ay maaaring mag-impose ng fine imbes imprisonment.
Pinanindigan yan ng SC nung kasuhan ng dating Assistant Secretary of Agriculture Waldo Carpio 2018 si Jomerito Soliman sa post nya sa FB.
Sa kanyang post, pinatamaan ni Soliman na tumanggap ng pabor si Carpio at inantala ang pag-release ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearance ni Soliman.