25 dahilan kung bakit mahal kita

BAKIT nga ba mahal na mahal kita, o aking, Sinta?

1. Dahil sa’yo, nadarama kong ako’y mahalaga—tanging ikaw lang ang nagparamdam nito sa akin na kakaiba.

2. Sapagkat kahit sa pinakasimpleng sandali, nagagawa mo akong pasayahin lagi.

3. Dahil ang iyong mga ngiti ay tila sinag ng araw sa umaga—matamis, mainit, masigla.

4. Sapagkat sa’yo ko natutunan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na dalisay— wagas, tapat, at walang kapantay.

5. Dahil sa mga panahong ako’y nalulumbay, ang iyong ngiti ang siyang nagbibigay- buhay sa damdamin kung salat sa kulay.

6. Sapagkat sa iyong mga mata, ang karaniwan ay nagiging kahanga-hanga, sa mundong puno ng hiwaga.

7. Dahil hindi lang ganda ang iyong taglay, kundi isang pusong busilak na walang kapantay.

8. Sapagkat ang iyong katapatan ay tulad ng isang bituing wagas—di naglalaho, di kumukupas.

9. Dahil sa piling mo, malaya akong maging ako—walang takot, walang alinlangan, kahit kanino.

10. Sapagkat anuman ang mangyari, alam kong ikaw ay nariyan, di kailanman bibitaw —di kailanman aayaw.

11. Dahil ang iyong presensya ay tila isang malamig na himig na nagpapatahan—sa aking madalas na magulong isipan.

12. Sapagkat kahit walang salita—nauunawaan mo ang pintig ng aking puso, at bulong ng aking diwa.

13. Dahil sa yakap mong walang pag-aalinlangan, ang mahalin ang sarili ko’y aking natutunan.

4. Sapagkat sa bawat ngiti mong puno ng pag-ibig, ang aking marupok na puso’y pumipintig.

15. Dahil kahit sa pinakapayak na kilos, nagagawa mong iparamdam na ako’y mahalagang lubos.

16. Sapagkat ang iyong puso’y mapagpatawad at maawain, sa kabila ng mga tampuhan, galit di ka nagtatanim.

17. Dahil sa’yo, natutunan kong tanggapin ang sarili ko—mga kahinaan, mga kakulangan, mga bisyo.

18. Sapagkat sa iyong mga mata, ako’y kumpleto kahit puno ng di-kasakdalan at kahit di perpekto.

19. Dahil sa bawat oras na magkasama tayo, lagi mong ipinaparamdam na ligtas ako.

20. Sapagkat pinaparamdam mo sa akin na ligtas ako sa piling mo—dala ng iyong yakap, ang lahat ng takot at pangamba’y biglang naglalaho.

21. Dahil ni minsan ay hindi mo ako hinusgahan, kahit alam mo ang lahat ng aking kahinaan.

22. Sapagkat ang iyong pagmamahal ay walang hinihinging kapalit o kwestyon—lubos na totoo, at walang kundisyon.

23. Dahil ikaw ang naging aking sandigan pag pakiramdam ko’y nauupos, ikaw lamang ang tunay kong kaibigan sa gitna ng unos.

24. Sapagkat ang bawat halik at haplos mo’y nagbibigay sa akin ng di maipaliwanag na

init at ligaya—ang aking nararamdaman ay di matumbasang saya.

25. At higit sa lahat, dahil ikaw ang nais kong makasama, sa bawat umaga, sa bawat gabi—kapiling sa lahat ng oras at hanggang sa pagtulog ay aking katabi.

Mahal na mahal kita—alam mo yan, Sinta.

Kahit na ika’y isang makulit na Chihuahua.