ISINULONG ng isang kongresista ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng P1,000 year-end bonus para sa mga senior citizen.
Inihain ni Quezon City 5th District Rep. PM Vargas ang House Bill 6693 o “Paskong Maligaya para kay Lolo’t Lola” bill na naglalayong magkaloob ng dagdag benepisyo sa mga indigent senior citizen.
Sa ilalim ng panukala, sakaling maaprubahan dapat matanggap ang year-end bonus ng P1,000 ang mga kwalipikadong senior citizen bago mag-Disyembre 25 kada taon.
Ito’y bukod pa sa P1,000 allowance kada buwan na ipinagkakaloob sa mga senior citizen.
“Our senior citizens have contributed so much to our country and most have remained capable of supporting their families and grandchildren. This holiday season, let us grant the wish of our lolos and lolas to be granted more benefits albeit through a year-end or Christmas bonus,” dabi ni Vargas.