PINALAWIG na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante para sa 2022 national and local elections.
Ayon kay Comelec chairman Sheriff Abas, tatagal hanggang Oktubre 31, 2021 ang voter registration base na rin sa inihaing mga panukala ng Kamara at Senado.
Gayunman, bubuksan lamang ito simula Oktubre 9 o pagkatapos ng nakatakdang filing ng certificate of candidacy na magsisimula sa Oktubre 1 hanggang 8.
Sa Sept. 30 sana ang huling araw ng registration.
“Avail the extension. Huwag naman natin hintayin ulit na kung saan ‘yung deadline, doon tayo magpaparehistro,” sinabi ni Abas sa CNN.