Sara Duterte nanguna sa latest Pulse Asia survey

NANGUNA si Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential preference survey na isinagawa ng Pulse Asia mula September 6 hanggang 11.

Sa tanong na ” sa mga taong nasa listahan, sino ang iyong iboboto bilang presidente ng Pilipinas kung ang eleksyon sa Mayo 9 ay gagawin ngayon at sila ang mga kandidato?

Pumangalawa naman si dating Senador Bongbong Marcos, habang nasa ikatlo at ika-apat na puwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.

Nakakuha ng 20 percent si Sara habang si Bongbong naman ay 15 percent. Si Moreno ay 13 percent habang 12 percent naman ang kay Pacquiao.

Nasa ikalimang puwesto naman si Senador Grace Poe na 9 percent habang si Vice President Leni Robredo ay nasa ika-anim.