SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng walang trabaho sa 4.2 porsiyento nitong nakaraang Nobyembre o kabuuang 2.18 milyon.
Ito na ang pinakamababang unemployment rate sa nakalipas na 18 taon.
Idinagdag ng PSA na mas mababa ang naitalang unemployment rate kumpra sa 4.5 porsiyento noong Oktubre 2022 at 6.5 porsiyento noong Nobyembre 2021.
“The estimated unemployment rate in November 2022 was the lowest since April 2005,” sabi ng PSA.
Noong Oktubre 2022, nakapagtala ng 2.24 milyong walang trabaho at 3.16 milyon naman noong Nobyembre 2021.
“The employment rate was placed at 95.8 percent in November 2022, the highest recorded employment rate since April 2005. In terms of levels, there were 49.71 million persons 15 years old and over who were employed in November 2022, 47.11 million in October 2022 and 45.47 million in November 2021,” dagdag ng PSA.
Samantala, umabot naman sa 14.4 porsiyento o 7.16 milyon ang underemployed.