NAITALA ngayong araw ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa, ayon sa Department of Health.
Ayon kay Dr. Beverly Ho ng DOH, ang unang kaso ay naitala matapos umuwi sa bansa ang isang 31-anyos na Pinoy noong Hulyo 19. Galing ang Pinoy sa bansa na may mga kaso ng nasabing sakit.
Nakumpirma ang kaso matapos magpositibo ang pasyente sa pamamagitan ng reverse transcription–polymerase chain reaction (RT-PCR) na isinagawa sa DOH Research Institute for Tropical Medicine kahapon, Hulyo 28.
“The DOH detects the first confirmed case of monkeypox in the Philippines,” ayon kay Ho sa press briefing sa Palasyo.
“The case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home,” sabi pa ni Ho.
Kasalukuyan umanong nagpapagaling ang Filipino national sa loob ng kanilang bahay.