Furigay family na-shock sa pagpatay sa ama ni Yumol.

NAGULAT at nalungkot ang pamilya ni dating Lamitan City Mayor Rose Furigay kaugnay sa pagpatay sa ama ng Ateneo shooting suspect na si Chao Tiao Yumol.

“Kami po ay nagulat at ang pamilya po ay nalulungkot na nangyari na ‘yan,” ani Qurino Esguerra, abogado ng pamilya Furigay.

“Ang hiling na lang po ng pamilya sa pangyayaring ito may mag-request sa PNP na mag-conduct ng thorough investigation kung sino po ang responsable dito,” dagdag niya.

Samatala, sinabi ng abogado na unfair sa pamilya Furigay na agad isisi rito ang pagkamatay ni Rolando Yumol, 69, isang dating pulis.

“Unfair naman po na bigla natin i-judge or i-husga na may kinalaman sila dito,” giit ng abogado.

Dead on the spot si Yumul makaraang barilin nang apat na beses sa likod.